Balita

Morley Safer, pumanaw isang linggo matapos magretiro sa trabaho

-

PUMANAW ang 60 Minutes reporter na si Morley Safer nitong Huwebes, Mayo 19, isang linggo matapos niyang magretiro sa kanyang trabaho sa CBS na pinaglingk­uran niya ng 52 taon. Siya ay 84. “Morley Safer has died. A masterful storytelle­r, inspiratio­n to many of us and a wonderful friend,” tweet ng 60 Minutes executive producer na si Jeff Fager nitong Huwebes. Matatandaa­ng inihayag ng yumaong correspond­ent ang kanyang pagreretir­o sa 60 Minutes noong Miyerkules, Mayo 11, na nagpalabas ng one-hour special bilang pagkilala sa kanyang serbisyo nitong Linggo, Mayo 15. “After more than 50 years of broadcasti­ng on CBS News and 60 Minutes, I have decided to retire,” pahayag niya sa kanyang final broadcast noong Marso. “It’s been a wonderful run, but the time has come to say goodbye to all of my friends at CBS and the dozens of people who kept me on the air. But most of all I thank the millions of people who have been loyal to our broadcast.” Ang unang istorya ni Safer sa 60

Minutes ay tungkol sa training ng U.S. Sky Marshals noong 1970, at ang kanyang huling istorya ay tungkol sa arkitekton­g si Bjarke Ingels. Naging correspond­ent siya ng nasabing news program sa loob ng 46 na season.

“Morley has had a brilliant career as a reporter and as one of the most significan­t figures in CBS News history, on our broadcast and in many of our lives,“pahayag ni Fager bago inihayag ni Safer ang kanyang pagreretir­o. “Morley’s curiosity, his sense of adventure and his superb writing all made for exceptiona­l work done by a remarkable man.”

Si Safer, katuwang sina Mike

Wallace, Harry Reasoner, Ed Bradley, Bob Simon,Andy Rooney, Steve Kroft, Lesley Stahl at iba pa, ay nagtulung-tulong upang maging matagumpay ang 60 Minutes.

Ang Toronto-born journalist ay nagtrabaho at naglingkod sa Canada bago lumipat sa broadcast news, bilang correspond­ent sa Canadian Broadcasti­ng Corporatio­n. Sumanib siya sa CBS noong 1964 bilang isang reporter, at binuksan ang Saigon bureau makalipas ang isang taon.

Si Safer ang may hawak ng record bilang longest-serving correspond­ent ng 60 Minutes.

Si Safer din ang sumulat ng bestsellin­g book na Flashbacks: On Returning to

Vietnam, na naglalaraw­an sa kanyang pagbabalik sa Vietnam noong 1989 at kanyang mga panayam sa iba’t ibang Vietnamese veterans.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines