Balita

Movie ni Piolo, kukunan sa New Zealand

- Ni REGGEE BONOAN

NAKAKATUWA si Mother Lily Monteverde dahil kapag masaya ay tawa nang tawa at ganito namin siya nabungaran sa presscon ng That Thing Called Tanga

Na. Panay ang bati niya sa amin at nagpapasal­amat, Bossing DMB sa tulong natin sa mga pelikula niya lalo na sa I Love You To Death na pinagbidah­an nina Enchong Dee at Kiray. Sa bago niyang pelikula, bida naman sina Angeline Quinto, Martin Escudero, Kean Cipriano, Billy Crawford at Eric Quizon sa direksyon ni Joel Lamangan. “Tulungan mo pelikula ko, ha?” sabi ni Mother Lily na maganda ang mood. Masaya si Mother Lily ay dahil pumayag na si Piolo Pascual na gumawa ng pelikula sa Regal Entertainm­ment kasosyo ang Star Cinema at ang Spring Films na isa ang aktor sa producers.

Maganda ang concept ng pelikula na kukunan sa New Zealand, si Yen Santos ang leading lady ni Piolo, at si Dondon Santos ang direktor.

Sa susunod na buwan aalis ang grupo patungong New Zealand at excited ang lahat dahil doon din nag-shoot ang Lord of the Rings.

Dalawa ang suggested title ng movie nina Piolo at Yen, Once

In A Lifetime at Northern Lights at mas gusto ng Regal Matriarch ang una.

Oo nga, mas bagay ang Once

In A Lifetime dahil una, first movie ito ni Piolo sa Regal, ikalawa, first time ding gagawa ng movie si Mother sa New Zealand.

Kinikilig nga raw si Mother Lily nang malamang pumayag na si Piolo at nanghiyang dahil wala siya sa meeting kaya hindi niya nakita ang aktor. Ang anak niyang si Ms. Roselle

Monteverde-Teo at si Direk Manny Valera ang humarap sa co-producer ni Piolo sa Spring Films na sina Direk Joyce

Bernal at Erickson Raymundo with Direk Dondon.

 ??  ??
 ??  ?? Piolo
Piolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines