Balita

Luis, iwas na sa Jessy-Angel issue

- Ni ADOR SALUTA

AMINADO si Luis Manzano sa panayam sa kanya sa Tonight

With Boy Abunda kamakailan na kapag humaharap siya sa interview, mas unang itinatanon­g ang tungkol sa kanyang personal na buhay.

Maayos naman niyang sinasagot ang mga tanong, pero may mangilanng­ilan na hindi nakauunawa sa kanya at sa kinasusuun­gan niyang isyu.

“It’s not even about being more private, it’s about people focus on the wrong things. Kilala n’yo ako, sumasagot ako. Pero ang tao kasi ngayon naghahanap ng mali. Kumbaga, shark na naghahanap ng dugo. So bakit pa ako magbibigay ng dugo?” paliwanag niya.

Lalo na ngayon, mainit na pinag-uusapan ang pagkakadaw­it ng kanyang pangalan kay Jessy

Mendiola. Nauna na niyang nabanggit sa ibang panayam na lagi silang magkasama ni Jessy sa mga lakaran.

“Okay. It’s good. Hindi kami puwede mag-deny kasi nga there are pictures online. Ang weird naman nu’n kung idi-deny ko ‘yun na may pictures online. Kasi anything else, gagamitin nila against you. Sabi nga, isa sa mga pinakabugb­og na statement sa bawat hearing ay, ‘I invoke my right to self-incriminat­ion’,” ani Luis.

Pero ang puwede lang daw aminin ni Luis tungkol sa kanila ni Jessy ay ang paglabas-labas nila.

“Lumalabas kami. Kasi ‘ pag dineny ko ‘yun magagalit kayo sa akin lahat. Mukha naman akong tanga ‘pag ‘dineny ko pa ‘yun. Sabi ko nga, anything I answer hahanapan ng mali. Sumagot na nga ako dati, nahanapan ng mali. Eh, di tatahimik na lang ako. Kung alam ko ang tao sasaksakin ako, bakit ko bibigyan ng kutsilyo? Sabi ko sa inyo, hahanapan ako ng mali. I can say the most beautiful thing, I can be as honest as I can, pero hahanapan ako ng mali,” pahayag pa ni Luis..

Matagal na raw silang magkaibiga­n ni Jessy.

“Dati pa. Even before kami nagkasama sa London because of ASAP. Dating-dati pa. I think she was still 18. It’s a small industry. Imposiblen­g hindi kami magkikita or hindi kami magkakilal­a. Ang dami kong kaibigan or kakilala na one time ko lang nakilala pero hanggang ngayon kaya ko sabihin na nakilala ko sila. Kahit never ko sila nakita after five years,” paliwanag ng binatang actor/TV host.

Mailap ang sagot ni Luis nang tanungin kung ano na ang estado ng samahan nila ni Angel Locsin, kung si Jessy na nga ba ang ipinalit niya rito o kung single pa siya at the moment.

“Kahit anong sagutin ko gagawan ng mali. Tatahimik na lang ako,” nakangitin­g pahayag ng host ng A

Minute to Win na muli nang umere last July 18, at napapanood Monday to Friday afternoon sa ABS-CBN.

 ??  ??
 ??  ?? Luis
Luis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines