Balita

FOI lusot sa Malacañang

- Genalyn Kabiling, Beth Camia, Mary Ann Santiago at Leonel Abasola

Mabubusisi na ngayon ng publiko ang official informatio­n at dokumento sa gobyerno matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysay­ang kautusan sa freedom of informatio­n (FOI).

Sakop ng nilagdaang executive order (EO) ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa executive branch, kung saan layunin nito na manaig ang transparen­cy at accountabi­lity sa lahat ng gawain ng mga opisyal ng gobyerno, ayon kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Secretary Martin Andanar.

“Every Filipino shall have access to informatio­n, official records, public records and to documents and papers pertaining to official acts, transactio­ns or decisions as well as to government research data used as basis for publicdeve­lopment,” ayon sa kautusan.

Nilagdaan Ito ng Pangulo sa Davao City noong Sabado ng gabi ang nasabing kautusan, kung saan inaasahang ipapalabas ito ngayong Lunes.

Kabilang sa mga pwedeng buksan ng publiko ay ang mga record, dokumento, papeles, letters, contracts, minutes at transcript ng official meetings at maraming iba pa.

“Failure to comply with the provisions of this Order may be a good ground for administra­tive and disciplina­ry sanctions against any erring public officer or employee as provided under existing laws or regulation­s,” ayon pa sa kautusan.

Ipinagbuny­i naman ito ng Obispo ng simbahang Katoliko at sinabing, “kapag merong FOI, big plus factor ‘yan for our quest against corruption. It will force the government to be transparen­t,” ani Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo.

Sa Senado, tuloy pa rin ang pagbalangk­as sa FOI upang maging ganap na batas, ayon kay incoming Senate President Aquilino Pimentel III, kung saan mas malawak umano ang magiging saklaw nito.

Nagpasalam­at naman si Senator Grace Poe dahil malaking hakbang na daw ito at nakikita niya na magiging ganap na itong batas.

Ang FOI na ikinasa ni Poe ay pumasa sa Senado noong 16th Congress pero hindi naman ito pinalad sa Mababang Kapulungan.

 ??  ?? Uy SONA ngayon!
Uy SONA ngayon!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines