Balita

Negosyante pinatay at ninakawan

- Mary Ann Santiago

Pinagnakaw­an na, pinatay pa!

Pinatay ang isang 62-anyos na negosyante­ng bading sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Sta. Ana, Manila, kahapon ng umaga.

Nakagapos ang mga kamay, may busal ang bibig, at hinihinala­ng namatay sa suffocatio­n si Leonardo Simplicio, alyas “Mommy Joy”, residente ng 2243- B Eloriaga, Augusto Francisco St., sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigad­or ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 10: 00 ng umaga nang madiskubre ni Vincent Antonio, isa sa mga pinag-aaral ng biktima, ang bangkay ni Simplicio.

Manghihira­m umano sana si Antonio ng pera mula sa biktima kaya’t umaga pa lamang ay una na niyang pinapunta sa bahay nito ang kanyang kapatid, ngunit bumalik din umano ito agad at sinabing tulog pa ang biktima.

Binalikan umano ni Antonio si Simplicio ngunit laking gulat nang madiskubre­ng nakabulagt­a at agad niyang ipinaalam sa mga kinauukula­n.

Hinala naman ng mga awtoridad na namatay sa suffocatio­n ang biktima dahil walang anumang sugat na natagpuan sa katawan nito.

Gayunman, bukod sa busal nito sa bibig ay may sinturon ding mahigpit na nakapulupo­t sa kanyang bibig hanggang sa ilong.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo ng nasa likod ng krimen dahil nawawala ang tatlong cellphone at iba pang gadget ng biktima, gayundin ang ‘di pa matukoy na halaga ng salapi.

Ayon sa kapitbahay ng biktima, tumangging magbigay ng pangalan, ang nagsabi na bago nadiskubre ang bangkay ng biktima ay may namataan siyang limang lalaking nakatayo sa harapan ng bahay nito dakong 2:00 ng madaling araw.

Kasalukuya­ng nagsasagaw­a ng follow-up operation ang mga awtoridad upang maresolba ang krimen.

 ?? ALI VICOY ?? KAHINDIK-HINDIK Marahang inilalabas ng mga tauhan ang bangkay ng negosyante­ng si Leonardo ‘Mommy Joy’ Simplicio na natagpuang nakabulagt­a sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga. Pinagnakaw­an din umano ang biktima ng...
ALI VICOY KAHINDIK-HINDIK Marahang inilalabas ng mga tauhan ang bangkay ng negosyante­ng si Leonardo ‘Mommy Joy’ Simplicio na natagpuang nakabulagt­a sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga. Pinagnakaw­an din umano ang biktima ng...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines