Balita

2 Bangladesh­i kulong sa puslit na damit

- Ni BELLA GAMOTEA

Nahaharap sa mga kasong robbery-in-band, kidnapping, at illegal possession of firearms ang apat na suspek, kabilang ang dalawang Bangladesh­i, na sinasabing nagnakaw ng P15 milyong halaga ng damit sa isang warehouse sa Pasay City nitong Sabado.

Kasalukuya­ng nakapiit sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Mohamad Anowar Hossain at Kamal Hossan, kapwa Bangladesh­i; Lawrence Anthony Daliscon, anti-illegal drugs agent, at Jelyn Paraquirre.

Dakong 4: 00 ng hapon kamakalawa nang pasukin umano ng mga suspek na sina Hossain at Hossan ang bodega ng garments factory na binabantay­an ng guwardiyan­g si Melody Bedro, nasa hustong gulang, sa Taft Avenue.

Bukod sa mga damit, tinangay din umano ng mga suspek ang ilang cellphone at P50,000 cash.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek, tinangka rin umanong umanong dukutin ang anak ng may-ari ng pinagnakaw­ang pabrika na isa ring Bangladesh­i na hindi pinabanggi­t ang pangalan.

Dahil dito, humingi na ng tulong ang biktima sa mga pulis sanhi ng pagkakaare­sto ng mga ito sa isinagawan­g follow-up operation nitong Sabado ng gabi.

Narekober ng awtoridad sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril na may lamang mga bala, magazine, kutsilyo at ilang sachet na pinaghihin­alaang naglalaman ng shabu.

Lumutang kahapon sa pulisya ang isa pang Bangladesh­i na kinilalang si Tanim Ahmad na nagsasabin­g dinukot at binugbog siya ng mga suspek sa Sta. Cruz, Maynila noong Hulyo 20 hanggang 23.

“My wife is a Filipina. I have one kid. They tortured me too much. They have the money and power,” reklamo sa pulisya ni Ahmad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines