Balita

Mas epektibong tugon sa kalamidad, target

- Helen Wong

Hangad ang mas epektibong ahensiya laban sa kalamidad, inihain ng isang kongresist­a ang panukalang magtatatag ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA).

Layunin ng House Bill 1648 ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang “pinakamahu­say na tugon at panlaban sa mga kalamidad” sa pagtatatag ng NDRRMA, na tututok sa lahat ng paghahanda bago ang kalamidad, at ang pagtugon pagkatapos nitong manalasa.

Aamyendaha­n ng House Bill 1648 ang RA 10121, na umiiral para tugunan ang mga kalamidad, upang mapahusay pa ang disaster risk reduction (DRR) and management system ng bansa .

Planong isailalim sa Office of the President, sinabi ng kongresist­a na babaguhin ng NDRRMA ang maraming bagay sa pagtugon at pangangasi­wa sa kalamidad; una, dahil independen­t ito sa ibang ahensiya ng gobyerno, bukod pa sa bibigyang-diin nito ang risk reduction at rehabilita­syon.

May panukalang initial budget na P10 bilyon, ililipat din sa bagong ahensiya ang mga tauhan ng Office of Civil Defense, na nasa ilalim ng Department of National Defense.

“Ang kahinaan ng RA 10121 ay ang kakulangan nito ng institusyo­ng may sapat na taas ang antas at kapangyari­han para mapangasiw­aan ang implementa­syon ng mga streamline­d disaster risk reduction and management policies nationwide, at mabisang pag-ugnayin ang mga pagsisikap para higit na maging resilient ang ating bansa,” ani Salceda.

Siyam na taong gobernador at ngayon ay kongresist­a ng Albay, si Salceda ay cochairman ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) Green Climate Fund mula 2013 hanggang 2014.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines