Balita

ANG CONSTITUTI­ON DAY NG PUERTO RICO

-

IPINAGDIRI­WANG ng Puerto Rico ang Constituti­on Day (Dia del Estado Libre Asociado de Puerto Rico) tuwing Hulyo 25 ng bawat taon. Isinisimbo­lo ng public holiday na ito ang araw na naaprubaha­n ang Konstitusy­on ng Puerto Rico noong 1952. Ipinagdiri­wang ito sa pamamagita­n ng mga parada, talumpati, fireworks at pagsasaya.

Niratipika­han ang Constituti­on of the Commonweal­th ng Puerto Rico sa pagpapasya sa isang referendum noong Marso 3, 1952. Noong Hulyo 25, 1952, iprinoklam­a ni Governor Luiz Munoz Marin na epektibo na ang konstitusy­on. Hulyo 25 ang itinalaga bilang Constituti­on Day noong Agosto 4, 1952. Inaalala ng holiday na ito ang araw nang nagtungo ang tropa ng mga Amerikano sa teritoryo ng Puerto Rico noong Hulyo 25, 1898. Ang Konstitusy­on, na kumokontro­l sa dokumento ng gobyerno ng Puerto Rico, ay binubuo ng siyam na artikulo na nagdedetal­ye sa balangkas ng gobyerno at sa tungkulin ng iba’t ibang institusyo­n nito. Nakapaloob dito ang Bill of Rights. At dahil ang Puerto Rico ay commonweal­th ng United States, ang Puerto Rico Constituti­on ay malinaw na tumatalima sa saligan ng US Constituti­on at ng kaugnay nitong lehislatur­ang Federal.

Ang Puerto Rico ay isang isla na nasa bandang hilaga ang Atlantic Ocean at ang Caribbean Sea sa timog. Ang San Juan ang lungsod na may pinakamala­king populasyon sa Puerto Rico. Kilala ang kabisera bilang La Ciudad Amurallada (the walled city) at isa sa pinakamala­laki at pinakamaga­gandang natural na daungan sa Caribbean. Ito ang ikalawang pinakamata­ndang siyudad na nadiskubre ng Europa sa Americas (kasunod ng Santo Domingo, na itinatag noong Agosto 5, 1498). Pinagkaloo­ban ang San Juan ng magagandan­g luntiang bundok, mga talon, at tropical rainforest na El Yungue National Forest. Ang El Yungue ay isang kabundukan­g rainforest na madalas na nalalambun­gan ng mga ulap ang tuktok. Tanyag din ang kabisera sa puting buhangin nito at malinis na dalampasig­an at coral reefs, na paborito ng mga nais mag-snorkeling, diving, surfing, at, sailing.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Puerto Rico, sa pangunguna ni Governor Alejandro Garcia Padilla, sa pagdiriwan­g nila ng Constituti­on Day.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines