Balita

TOTOHANANG PAGLIPOL

- Bert de Guzman

SAPUL nang manalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tinotoo ang paglipol sa mga drug pusher at user. Batay sa pananaliks­ik ng isang TV network, nasa 500 na ang napapatay mula noong Hulyo 1 hanggang 20, 2016. Gayunman, batay sa rekord ng Philippine National Police (PNP), may 207 lang ang napatay na drug suspected pushers at users. Tanong: “Meron na bang drug lord/s na naitumba?” Sa pagsusuma, 10 ang napapatay kada araw sa inilunsad na drug war ni President Rody.

Matindi ang pagkontra ni Vice Pres. Leni Robredo sa nagaganap na patayan arawaraw sa iba’t ibang dako ng bansa kaugnay ng drug war ng Duterte administra­tion. Nanawagan si beautiful Leni na tigilan na ang extrajudic­ial killings na inilarawan niya bilang isang “growing culture of fear in the country.” Nanawagan din siya ng imbestigas­yon tungkol dito upang alamin kung ang napatay na ordinaryon­g pushers at users ay talagang nanlaban o pinatay nang walang laban ng mga pulis o vigilantes.

Pahayag ni VP Leni: “Kinokonden­a namin ang extrajudic­ial killings na nangyayari ngayon. Dapat matigil na ang ganitong senseless at unjust violence.” Dagdag pa ng biyuda ni Sec. Jesse Robredo: “We should not foster a culture of fear in our society--one that tacitly accepts death and one does not give respect to human life.” Ano ang masasabi mo rito Mano Digong?

Ngayon naman ay si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre III ang may patong na P50 milyon sa ulo courtesy ng mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Noon ay sina Duterte at PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Talagang saksakan ng dami ng pera ang drug kings sa oblo. Nalaman daw ito ni Aguirre nang magpunta sila ni Gen. Bato sa NBP upang opisyal na italaga ang 350 tauhan ng Special Task Force (SAF) bilang bagong mga bantay sa bilangguan.

Sa NBP, tinawag at kinausap nang personal ni Bato sina drug lords Co at Herbert Colangco, at Jayvee Sebastian, lider ng Commando Gang. Ayaw tumingin ni Co kay Bato nang tinatanong ito kaya sabi ni Bato: “’Pag kinakausap kita,tumingin ka sa akin.” Nang komprontah­in si Colangco: “Ikaw ba yung kumakanta”? Napaulat noon na si Colangco ay nagre-record ng mga awitin sa oblo ay may sariling recording company daw. Siya ay may relasyon din daw sa vice mayor ng Ozamiz City na anak ng Ozamiz City Mayor na ang apelyido ay “Parojinog.” Ang Parojinog Group ay isa umanong kilabot na robbery group na sangkot din daw sa illegal drugs. Itinanggi nila ito.

Pinaalalah­anan ni Bato ang mga drug lord, bukod kina Peter Co at Herbert Colangco, na magbago na at magdasal dahil kung hindi, iba ang kanilang paglalagya­n. Sinabihan din ni Bato ang mga SAF commando na huwag tatanggap ng suhol kahit piso o supot ng candy sapagkat makasisira ito sa kanilang misyon. Ang layunin nila ay lumpuhin ang mga drug lord na mismong sa loob ng NBP ay nakagagawa ng bilyun-bilyong pisong transaksiy­on kaya nakapanunu­hol ng milyun-milyong piso sa mga guwardiya, opisyal ng bilangguan, at maging sa mga prosecutor at huwes.

Sa oblo pala ay may 11 gangs na nagooperat­e. Ang mga ito ay ang Batang City Jail, Batang Samar-Leyte, Oxo, Commando, Sputnik, Bahala na Gang, Happy Go Lucky, Batang Cebu, Genuine Ilocano, Bicol Romblon, Masbate and Batman o Batang Mandarambo­ng.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines