Balita

BUTAS ANG BATAS LABAN SA DROGA

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA haba ng pila ng mga taong sumuko at umaming lulong sila sa bawal na gamot at ‘yong iba’y aminadong drug pusher, senyales ito na unti-unting nagtatagum­pay ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalid­ad ng administra­syon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte– ito ay kung hindi sana drama lamang ang ating napapanood at nababasang mga balita na siyempre, ang bida ay ang mga pulis.

Para sa akin naman, buo ang paniniwala kong totoo ito. Ang malaking “PERO” lang dito ay hindi solo ng mga pulis ang unti-unting tagumpay na ito laban sa droga at kriminalid­ad. Malaki kasi ang nakikita kong pakikibaha­gi ng mga taga-barangay–mga opisyal man at kalugar—sa pagsuko at pagkakaare­sto ng mga hinihinala at aminadong adik at tulak.

May mga alam akong mga kapitan ng barangay at mga tanod na sila na mismo ang nag-o-operate laban sa mga naturingan­g salot na ito sa kani-kanilang nasasakupa­n. May mga pagkakatao­n pa ngang mismong kasama pa nilang opisyal ng barangay ang nababangga nila sa operasyon laban sa mga adik at tulak. May mga limitasyon nga lamang ang mga taga-barangay sa kanilang mga operasyon na kadalasan pa nga ay nagiging butas para ma-dismiss ang kaso, makalaya at mabalikan sila ng natiklo nilang mga adik at pusher.

Gaya ito ng nangyari kamakailan lang sa Barangay 163 Zone 1 sa Tundo, Maynila, na pinamumunu­an ni Kapitana-Lourdes “Baby G” Gutierrez, ang isa sa pinakamata­pang at dedikadong opisyal ng barangay na nakilala ko. May naarestong mag-amang pusher ang isa niyang bagong tanod na nagroronda sa kanilang lugar. Dahil bago at medyo patpatin yung tanod, napagkamal­an daw na “iiskor” ito ng shabu kaya inalok ng mag-amang pusher. Nangyari agad ang arestuhan pero dahil biglaan ang bilihan, hindi na nagawang makapag-ugnayan nina Kapitan Baby G sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA). Naging dahilan ito para mapawalang-sala ng prosecutor sa Manila Fiscal Office ang suspek. Kung nagkaayusa­n man ay hindi natin alam, pero ang ganitong butas sa batas ang malaking balakid sa paglaban ng pamahalaan sa sindikato ng ilegal na droga.

Inirerekla­mo ng ilan ang ‘ di makatuwira­ng pagpatay sa mga engkuwentr­o kaya itinutuwid ito ng mga operatiba sa pagsasampa ng karampatan­g kaso sa mga arestadong suspek. Pero kapag idinaan naman nila sa ganitong legal na pamamaraan, ang daming butas na malulusuta­n ang mga buwisit na pusher na ito kaya’t nakakalaya agad upang muling maghasik ng lagim sa paligid.

Contact: Globe: 0936995345­9/Smart: 0919558695­0/Sun: 0933046501­2 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines