Balita

Yasmien Kurdi, buo ang tiwala na hindi magloloko ang asawa

- Ni NORA CALDERON

“KUNG magseselos ka sa akin, sa isang lalaking malapit naman sa hitsura mo,” natatawang kuwento ni Yasmien

Kurdi na sinabi niya sa husband niyang si Rey Soldevilla nang tanungin siya ng reporters kung may pinagselos­an na ba ito sa kanya.

Tall and handsome pilot kasi si Rey.

Hindi ba nag-aalaala si Yasmien na matulad siya sa nangyari kay Sunshine Dizon na piloto rin ang husband?

Naaawa siya kay Sunshine at wish niyang magkaayos pa rin ang mga ito.

“May confidence ako sa husband ko and we trust each other. Ako ang first girlfriend niya at siya rin ang first boyfriend ko. Supportive kami sa career namin at hindi kami magiging hadlang sa pag-asenso ng bawat isa. Naniniwala ako na kung gusto niyang magloko noon pa sanang isang flight attendant pa lamang siya at ang dami niyang magagandan­g female attendants.

“Kahit saan naman may tukso at kahit pigilan mo, kung gugustuhin ng lalaki, magloloko pa rin siya, pero alam kung hindi ganoon ang asawa ko.”

So, hindi totoo ang inakala noong sumali siya ng Starstruck na naging “sila” ng co-winner niyang si Rainier Castillo? Pinagtamba­l lang daw sila that time, dahil si Sheena Halili talaga ang girlfriend ni Rainier nang panahong iyon. “Fourteen years old pa lang ako noon at si

Katrina Halili ay 17 years old at madalas niya akong binu-bully noon at napapaiyak na lang ako. Competitiv­e daw ako kaya madalas niya akong binu-bully noon. Pero ngayon best of friends kami ni Katrina, tulad din ng ibang mga ka-batch namin sa first Starstruck. “Ngayong lagi kaming magkasama ni Katrina, sa set ng afternoon prime naming Sa Piling Ni Nanay, nakita ko kung gaano siya kabait, gusto naming pagusapan lagi ang tungkol sa anak niyang si Katie at ang anak ko namang si Ayesha. “Pero dito sa Sa Piling Ni Nanay, off- camera lang kami best of friends, magkalaban kami dahil sa custody ng batang isinilang ko, surrogate mother ako ni Maya ( Sofia Cabatay) na ang akala ng mga manonood, anak ni Scarlet (Katrina) na ako lang ang nagdala. Marami pong magagandan­g eksenang magaganap lalo ngayon na makukuha na si Maya sa akin ng lola niyang si Nova Villa.” Ayon sa executive producer ng soap na si Jojo Aleta, mas marami pang exciting scenes na mapapanood dahil mahirap ang kaso ng surrogate mothers, lalo na at wala pang malinaw na rule tungkol sa kanila. Kaya may mga kinokunsul­ta silang lawyers sa para sa production. Pero sino nga ba ang dapat magmay-ari sa batang isinilang ng isang ina na ang egg na ipinunla ay sa ibang babae? Maraming twists sa istorya at malalaman ang totoo mula sa doctor na nagpunla ng egg sa sinapupuna­n ni Isabel (Yasmien). Napapanood araw –araw ang Sa Piling Ni Nanay pagkatapos ng Sinungalin­g Mong Puso sa GMA7.

 ??  ?? Yasmien
Yasmien

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines