Balita

‘Wag pilitin ang hindi dapat --Eric Quizon

- --Reggee Bonoan

“I’M glad to be back in Regal,” sabi ni Eric Quizon nang ipakilala sa presscon bilang isa sa cast ng That Thing Called Tanga Na sa nitong nakaraang Huwebes. Matagal din kasing nawala ni Eric sa Regal dahil marami siyang pinagkaaba­lahan. Masaya rin siya na muli niyang nakatrabah­o si Direk Joel Lamangan na nagdirihe sa kanya sa So Happy Together kasama si Kris Aquino, Pusong Mamon kasama naman si

Lorna Tolentino at co-director niya sa pelikulang Markova:

Comfort Gay at marami pang ibang proyekto.

Anyway, nagtawanan ang lahat nang tanungin si Eric kung ano ang papel niya, at nang sabihin niya ang pangalan ng chacter niya sa That Thing Called Tanga Na ay Papa Ronnie Chui na isang mayamang abogadong bading. “It’s a happy set and everybody calls me Papa

Chui,” sabi ni Eric na natatawa rin.

Mapapanood na ang naturang pelikula sa August 10.

Pagkatapos ng Q and A, natanong si Eric tungkol sa hindi pagkakatul­oy ng kasal nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao.

“Hindi ko muna kinausap si Zsa Zsa, pinabayaan ko muna siya. But I had to talk to her about sa estate ni Dad ( Dolphy). I’m happy that she’s okay at ang advice ko sa kanya is to follow her heart. Kung ano ang tama at dapat niyang gawin, gawin niya. ‘Wag pilitin ang hindi dapat. We’re not getting any younger. Enjoy life!” sabi raw ni Eric sa Divine Diva.

Humingi ba ng advise si Zsa Zsa sa kanya?

“No, she never. One thing about Zsa Zsa, kapag kailangan niya ng advise, magtatanon­g naman ‘yan. But I think she knows what she wants, eh. I mean, Zsa Zsa has her own mind, and she knows what’s best for her.

“I don’t have to say kung bakit, but there are things na hindi kapag hindi talaga maiwasan, magtatanon­g naman ‘yan. ‘Hey guys, what’s best for us?’ At this point she never asked, so I guess, she got what she wants,” pahayag ng aktor/direktor.

Inamin ni Eric na nagulat siya nang malamang hindi na itinuloy ni Zsa Zsa ang kasal.

“I got shock the first time I knew it. Lalo na’t ang pagkakaala­m ko ay ikakasal na sila. Nag- invite pa nga siya na, ‘O, ano are you going to my wedding? Sabi ko na naman, ‘of course, count me in’.

“I never suspected na, she seem so very happy. Kapag nakikita ko sila (noon), masaya naman sila. So I never thought this things will happen,” pagbabalik-tanaw ni Eric.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines