Balita

Andreas Muñoz, payag gumawa ng pelikula sa Pilipinas

‘IGNACIO DE LOYOLA,’ IPAPALABAS NA SA MIYERKULES

- --Ador Saluta

NAGING panauhin ng King of Talk sa Tonight With Boy Abunda ang Spanish actor na si Andreas Muñoz na bida sa Filipino film na Ignacio de Loyola, tungkol sa unang Jesuit o nagtatag ng Society of Jesus, produced ng Jesuit Communicat­ions Foundation.

Directed by Paulo Dy, na isang Pilipino, ang naturang pelikula na ipapalabas na sa Pilipinas ay kinunan sa Spain, sa mismong location din ng Games of Thrones. Sa bagong update, kasali ang Ignacio de Loyola sa isang internatio­anl filmfest. Sa panayam ni Kuya Boy, ibinahagi ni Andreas ang karanasan sa pakikipagt­rabaho sa Filipino crews.

“It was interestin­g. It was wonderful to be honest. I didn’t know much about Filipinos before, the Filipino filmmakers, or anything. After working with them I’m amazed at their craft, how they develop (their ideas), and how internatio­nal they are – how good they are,” bungad ni Andreas.

Bagamat nakatrabah­o na rin niya ang ilan sa mga sikat na internatio­nal filmakers like Guillermo del Toro, aniya, pinapahala­gahan niya ang pakikipagt­rabaho sa mga Pinoy.

“It’s true. The thing has to be said. I always say to Paolo Dy that I find this country really rich and it is still to be discovered. And I would love to see more Filipino films made internatio­nal. I mean, why not? Let’s aim for that,” magandang sabi pa ni Andreas.

Pangatlong pagbisita na ngayon ni Andreas sa Pilipinas at payag siyang gumawa ng pelikula rito kapag inalok siya ng project.

Ipapalabas na sa Miyerkules, July 27, sa mga sinehan ang Ignacio

de Loyola na tiyak na panonoorin ng mga kababayan nating malaki ang natutuhan at tumitingal­a sa Jesuits.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines