Balita

Lintik lang ang walang ganti —Bakers

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 4 n.h. -- Blustar vs AMA 6 n.h. -- Tanduay vs Cafe France

Paghihigan­ti ang target ng namumuno at nagtatangg­ol na kampeong Café France laban sa tanging koponan na tumalo sa kanila noong unang round sa muli nilang pagtutuos sa pagpapatul­oy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Para kay Bakers coach Egay Macaraya, nais nilang maputol ang tila jinx na kumapit sa kanila sa tuwing magkakatap­at ang Tanduay Rhum Masters.

“Yun naman talaga yung jinx sa amin. Sana ma-break na namin yun,” pahayag ni Macaraya.

Manggagali­ng ang Cafe France sa 96-93 overtime win kontra Phoenix noong nakaraang Huwebes.

Para naman sa kampo ng Rhum Masters, hangad nilang putulin ang naitalang 4-game winning streak ng Bakers sa muli nilang pagtutuos ngayong 6:00 ng gabi.

Sa pagkakatao­ng ito, lalaro para sa Rhums Masters si dating UST standout at Gilas cadet Kevin Ferrer para sa hangad ng koponang makakuha ng isa sa top two spot.

“We are not leaving any stones unturned. We want to do everything we can to make it to the top two,” ani coach Lawrence Chongson. Pinangunah­an ni Gelo Alolino ang naunang 84-80 panalo ng Tanduay kontra Cafe France noong nakaraang Hunyo 16.

Samantala, sa unang laro naghahanga­d namang makahabol sa Final Four, target din ng AMA Online Education ang tagumpay kontra Blustar Detergent sa kanilang paghaharap ganap na 4:00 ng hapon.

Naniniwala si Titans coach Mark Herrera na kaya pa nilang manalo ng dalawang sunod kasunod ng naitalang 109-84 panalo laban sa Topstar ZC Mindanao sa nakaraan nilang laro.

“Sana magtuluy-tuloy lang yung magandang ginagawa namin,” pahayag ni Herrera.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines