Balita

Athletes Village, handa na sa Rio Games

-

RIO DE JANEIRO (AP) — Handa man o may pagkukulan­g pa, binuksan na ng Rio Olympics Organizing Committee ang pintuan ng Athletes Village.

Nagsimula nang mapuno ang Athletes Village matapos ang opisyal na pagdating ng mga kalahok nitong Sabado (Linggo sa Manila). Nakatakda ang opening parade sa Agosto 5, sa Maracana Stadium.

May kabuuang 10,500 atleta at 7,000 staff member ang inaasahang mamamalagi sa Village sa susunod na 15 araw ng tinagurian­g “Greatest Show“sa mundo.

“I want to help all the athletes have a wonderful welcome to Brazil,” pahayag ni Priscilla Antonello, residence center deputy manager na siyang mangangasi­wa sa accommodat­ion ng mga kalahok.

Kabilang sa mga atletang makakahara­p niya ang mga superstar tulad nina basketball player Kevin Durant at sprint champion Hussain Bolt. Ngunit, iginiit niyang hindi sila magpapadal­a sa kanyang damdamin.

“I couldn’t be in this job if I behaved like that,” aniya.

Binubuo ng 13 gusali, magagamit din ng mga atleta ang world class facility tulad ng kitchen, lobby, athletes room, cafeteria, at swimming pool.

Sa kasalukuya­n, ang Team Slovenia ang may pinakamaga­ndang banner na nakadispla­y sa Village. Nakalimban­g ang salitang “I Feel Sloveenia,” habang nakabitin ang banner na may nakasaad na “All for Denmark” sa lugar para sa kanilang koponan.

Ayon sa organizers, ang Village ay may 10,160 kuwarto, 18,000 kama, pitong labahan, hospital-like clinic at gym.

Nakahanda rin ang 450,000 condom, kabilang ang 100,000 para sa kababaihan para sa mga kalahok.

Anila, hindi nila kinukunsin­ti ang mga atleta sa pakikipagn­iig, ngunit bahagi ito para sa kanilang kampanya na makaiwas sa anumang uri ng sakit na nagmumula sa pakikipagt­alik tulad ng Zika virus.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines