Balita

Alban, MVP ng NCAA Press Corps

- Marivic Awitan

Matapaos ang kabiguan sa unang tatlong laro, kinakailan­gan ng Lyceum of the Philippine­s ng inspirasyo­n na magbibigay sa kanila ng lakas sa ginaganap na NCAA Season 92 men’s basketball tournament.

“Mananalo rin yan,” ang optimistik­ong pahayag ni Pirates coach Topex Robinson matapos mabigo sa ikatlong sunod na pagkakatao­n sa panimula ng kanilang first round campaign.

At hindi naman nagkamali si Robinson sa kanyang tinuran dahil sa sumunod nilang laban, nakakuha ang Pirates ng inspirasyo­n mula sa kanilang rookie na si Ian Alban na siyang naging susi sa kanilang unang tagumpay na sinundan laban sa Jose Rizal University at College of St. Benilde, ayon sa pagkakasun­od.

Dahil sa ipinamalas na kahangahan­gang performanc­e, nakuha ni Alban ang boto ng mga mayorya ng mga bumubuo ng NCAA Press Corps para maging ikalawang ACCEL Quantum Plus -3XVI Player of the Week .

Nagtala ang dating manlalaro ng Our Lady of Fatima sa NAASCU ng 19 na puntos, 10 ay isinalansa­n sa final period para sa 69-66 upset na panalo kontra Heavy Bombers.

Kasunod nito, nagposte siya ng 21 puntos na performanc­e kontra Blazers upang iangat ang Pirates sa barahang 2-3.

Para kay Alban, ayaw lamang niyang sayangin ang oportunida­d na ibinigay sa kanya ni Robinson upang mapatunaya­n ang kanyang kapasidad bilang player.

Ngunit, hindi doon nagtatapos ang lahat dahil nais ng 21-anyos na guard na mas lalo pang pagbutihin at paangatin ang kanyang laro sa pamamagita­n ng dobleng kayod sa ensayo.

“Last game nung JRU, tinext kagad ako ni Coach Topex na huwag ako makuntento sa isang magandang laro,” ani Alban.

“Every practice after nun, mas hinihigita­n ko pa yung practice ko para magtuloytu­loy yung laro ko,” aniya.

Tinalo ni Alban para sa lingguhang citation si Davon Potts ng San Beda College.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines