Balita

Parak tiklo sa drug raid, 3 kasamahan bumulagta

- Nina ORLY BARCALA at JEL SANTOS

Isa-isang bumulagta sa semento ang tatlong sinasabing drug dealer makaraang makipagbar­ilan sa mga pulis sa Caloocan City, habang naaresto naman ang isang pulis na umano’y kasama nila, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot sina Jessie Ludwig Tohnacion, alyas “Loyd”, 25; Reynaldo Guilalas Matis, 55, kapwa taga-Barangay 167, Llano; at Jeffrey Dela Cruz, 44, ng Bgy. 166, Kaybiga, Caloocan City.

Nagtamo ang tatlo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Naaresto naman si SPO1 Erwin Jose Vasquez, 45, na nakatalaga sa Admin Holding Unit sa Camp Karingal, Quezon City.

Sa report ni PO3 Gomer Mappala, dakong 8:30 ng gabi nang mangyari ang shootout sa loob ng isang bakanteng bahay sa No. 359 Vista Verde Subdivisio­n sa Bgy. Llano.

Nabatid na ilang residente ang nagsuplong sa Police Community Precinct (PCP)-6 ng tungkol sa aktibidad na may kinalaman sa ilegal na droga sa naturang bahay.

Ayon sa report, nakita ng grupo nina Tohnacion ang paparating na mga pulis at kaagad na pinaputuka­n ang mga ito.

Umabot ng halos 10 minuto ang palitan ng putok hanggang sa tuluyang mapatay ang tatlo at maaresto ang pulis.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang .38 caliber revolver, isang granada, dalawang improvised .22 caliber rifle, isang .9mm caliber, isang katana ng samurai, hindi tukoy na dami ng shabu at drug parapherna­lia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines