Balita

Guro pinatay sa saksak ng estudyante

- Danny J. Estacio

BAY, Laguna – Isang 60-anyos na babaeng guro sa Christian Academy School ang napatay sa saksak habang nasugatan naman ang asawa niyang pastor at isang 15-anyos na babae makaraang may armadong sumugod sa kanilang bahay na isang estudyante sa Barangay Dila, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Francisca A. Atienza, guro sa Christian Academy School, habang sugatan naman sina Juancho Atienza, 54, pastor ng Baptist Church Bay Chapter; at Isabell Ann Ravile, 15, 4th year student ng Christian Academy School, pawang residente sa nasabing lugar.

Nasawi rin ang suspek na si Jarelle Perez, estudyante ng Laguna State Polytechni­c University at tagaBgy. Hanggan, Calauan, makaraang manlaban sa kanya ang pastor.

Ayon sa report, dakong 9:00 ng gabi at nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang kumatok ay mag-“Tao po” ang suspek.

Binuksan ni Juancho ang pintuan, at kaagad siyang hinampas ng suspek ng matigas na bagay sa ulo, bago ilang beses na pinagsasak­sak.

Nagpambuno sina Juancho at Perez hanggang sa mapasugod sa kanila ang guro upang saklolohan ang asawa, ngunit pinagsasak­sak din siya ng suspek, na kaagad niyang ikinamatay.

Nagtangka ring sumaklolo si Ravile ngunit sinaksak din siya ng suspek sa kaliwang braso.

Nagawa namang makalayo ni Juancho at sa paghabol ng suspek sa sugatang dalagita ay binawian siya ng buhay sa hagdan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines