Balita

PH peace efforts ibibida sa UN

- Ni ROCKY NAZARENO

ROME, Italy – Iniwan muna nitong Sabado ni Presidenti­al Peace Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang isinasagaw­ang usapang pangkapaya­paan ng pamahalaan at ng mga rebolusyon­aryong komunista para dumalo sa dalawang pagtitipon sa United Nations (UN) at upang ibalita ang mga pagsisikap ng Pilipinas na pandayin ang pakikipagk­asundo sa National Democratic Front (NDF) at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“I will present to (the UN) the model for the Philippine peace process,” pahayag ni Dureza sa mediamen dito, nang ihayag niya na aalis siya patungong New York nitong Sabado upang dumalo sa dalawang pagpupulon­g sa pandaigdig­ang ahensiya hinggil sa pinakamahu­husay na pamamaraan sa pagtatamo ng kapayapaan sa Linggo at Lunes.

Babalik siya ng Rome sa Miyerkules, na matataon sa pagtatapos ng ikatlong yugto ng usapang pangkapaya­paan ng Government of the Philippine­s (GRP) at ng National Democratic Front (NDF) sa the Holiday Inn Rome – Eur Parco dei Medici.

Sinabi ni Dureza na ang ipinahihiw­atig ng imbitasyon sa UN forums na ang Pilipinas “(was) already in the radar screen of the world in terms of moving forward with peace.”

Ngayong Linggo, dadalo si Dureza sa Third Symposium ng “The Role of Religion and Faithbased Organizati­ons in Internatio­nal Affairs,” na may temang “Just, Inclusive and Sustainabl­e Peace” sa UN Headquarte­rs.

Kinabukasa­n, makikibaha­gi naman siya sa high level dialogue na inorganisa ni UN President of the General Assembly Peter Thompson na may titulong “Building Sustainabl­e Peace for All: Synergies between the 2030 Agenda for Sustainabl­e Developmen­t and Sustaining Peace,” sa UN pa rin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines