Balita

Zanjoe at Bela ‘na’?

- Ni REGGEE BONOAN

FOLLOW- UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol kay Zanjoe Marudo na nagsabing nami- miss na niya ang pagkakaroo­n ng girlfriend.

Posible nga kayang si Bela Padilla ang bagong nagpapatib­ok ng puso ni Zanjoe na sinabi niyang masaya at kulay pula ngayon?

Sa one-on-one interview nila ng King of Talk sa Tonight With Boy Abunda, napangiti si Xanjoe nang tanungin kung may idinidate siya ngayon.

“Dalawa nga ‘ yung binili kong ticket ng Coldplay,” sagot niya, “binili ko ‘ yung ticket na ‘ yun hindi ko alam kung sino ang kasama ko. Sa April pa ‘ yun, baka magkakaroo­n ako ng kasama.”

Sinangayun­an siya ni Kuya Boy, na baka nga naman magkaroon na siya ng maisasama pagdating ng Coldplay concert sa Abril.

Kung hindi kami nagkakamal­i ay gold tickets ang nabili ni Zanjoe at nagkataong gold din ang sinasabing ticket ni Bela.

Kaabang-abang kung silang dalawa ang magkasaman­g manonood ng Coldplay sa Abril 4.

May source kasi kaming nagtsika sa amin na super close ngayon sina Zanjoe at Bela. Sa katunayan, sa isang TV guesting ay hinintay pa raw ng aktor ang leading lady niya at sabay na silang umuwi.

Wala namang masama kung sila na dahil pareho na silang single.

Samantala, nabanggit din ng bida ng My Dear Heart na nangangara­p na siyang magkaanak dahil naiinggit na siya sa mga kapatid niya. Idagdag pa na ilang teleserye na rin kasing father roles ang natotoka sa kanya. Dito sa huli, ideal dad naman siya ng newcomer na si Nayomi Ramos.

Bagamat enjoy siya sa mga pamangkin niya, naiisip na rin niya kung minsan ang pagkakaroo­n ng sariling anak. Pero hihintayin na lang daw niya kung kailan ito ibibigay ng Diyos.

At sa tsikang crush daw siya ni Vice Ganda, hindi niya alam kung seryoso ito lalo’t hindi pa naman sila nagkakausa­p. Kapag nagkikita ay magkalayo naman at nagtatangu­an lang sila.

Hayan, may step two na tayo, Bossing DMB sa teorya natin na posible ang ZanjoeBela lalo’t palagi silang magkasama sa taping ng My Dear Heart na huhulaan naming magtatagal sa ere.

Timing naman dahil hawig ni Bela si Bea Alonzo. Pero hindi naman hawig ni Zanjoe si Neil Arce, huh.

 ??  ??
 ??  ?? Zanjoe, Nayomi, at Bela
Zanjoe, Nayomi, at Bela

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines