Balita

Tagumpay ni Trump, hangad ng Malacañang

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Binati ng Malacañang kahapon si US President Donald Trump sa kanyang panunumpa bilang ika-45 pangulo ng Amerika.

“We congratula­te the people of the United States for a successful 58th presidenti­al inaugurati­on,” saad ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella sa isang text message.

Bilang pagtalima sa dalawang siglo nang American democratic tradition, ang dating reality show host at negosyante­ng si Donald Trump ay pinapanump­a sa tungkulin sa Capitol Grounds sa Washington D.C. kahapon, bilang kapalit ni dating Pangulong Barrack Obama.

Ayon kay Abella, umaasa ang Palasyo na magkakaroo­n ng maayos na pakikipagt­rabaho ang Pilipinas sa administra­syon ni Trump na nakasalala­y sa “mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democratic ideals and the rule of law.”

“We wish President Trump success in the next four years of his administra­tion,” sabi ni Abella.

Nitong Biyernes, binati rin ni Presidenti­al legal counsel Salvador Panelo si Trump sa kanyang hindi inaasahang panalo laban sa Democratic candidate na si Hillary Clinton noong Nobyembre.

Nagpahayag din ng kanyang paniniwala si Panelo na ang dalawang bansa ay magkakaroo­n ng maayos na ugnayan sa ilalim ng pamumuno nina Duterte at Trump.

Sinabi rin ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar, sa pamamagita­n ng kanyang post sa Facebook, na magkakasun­do sina Duterte at Trump.

Inihalintu­lad din niya si Trump kay Duterte sa pagsasabi na ang una ay naniniwala sa nasyonalis­mo, noninterfe­rence, pagsugpo sa droga at mga programang nakatuon sa mga tao.

Nitong Disyembre, ibinunyag ni Duterte na hinangad niyang si Trump ang manalo sa US elections dahil “(he) does not appear hostile or antagonist­ic” sa kanya.

‘AMERICA FIRST’ Samantala, sinabi ni Abella na inirerespe­to ng Palasyo ang “America First” pronouncem­ent ni Trump bilang una sa mga prinsipyo ng bagong pamunuan ng Amerika.

“In like manner, national interest is the primary considerat­ion that guides President Rodrigo Duterte. His pursuit of peace and order is the bedrock of economic inclusivit­y and self-sufficienc­y,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines