Balita

2 suspek sa bunton ng kalansay, tinutugis

- Mary Ann Santiago

Inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Manila Police District (MPD) na higit pang paigtingin ang pag- iimbestiga sa pagkakatag­po kamakailan ng mga kalansay ng tao sa isang abandonado­ng bahay sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila, kasabay ng masusing paghahanap sa dalawang suspek sa kaso.

Nanawagan din si Estrada sa mga may kinalaman sa karumaldum­al na pagpatay na payapa na lang na sumuko sa awtoridad.

“This is a serious case, we should not let the perpetrato­rs get away from this. Sumuko na sila habang maaga pa,” babala ni Estrada. “I am counting on MPD to do an accurate and in-depth investigat­ion to identify and track down all the people behind these horrible killings.”

Ayon naman kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, may hinahanap na silang dalawang “persons of interests” na may kinalaman sa kaso ngunit wala na sa Metro Manila ang mga ito.

“Meron tayong two target personalit­ies who are persons of interest who are being investigat­ed regarding this... buhay pa. Wala na rito sa Manila, not in the city of Manila but most likely, after the neutraliza­tion of former Barangay Chairman (Faiz) Macabato, they left the area,” ani Coronel, tinukoy ang anti-drug operation sa lugar noong Oktubre 7, 2016.

Pitong drug suspect ang nasawi sa naturang raid, kabilang na si Macabato, incumbent chairman ng Barangay 648.

Ayon pa kay Coronel, isinasaila­lim na sa forensic pathology examinatio­n ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang pitong kalansay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines