Balita

60 na-rescue sa biglaang pagtaas ng baha sa NorCot, Maguindana­o

-

DATU MONTAWAL, Maguindana­o – Sinagip ng disaster worker sa North Cotabato at Maguindana­o ang nasa 60 katao, kabilang ang ilang menor de edad at buntis, matapos silang ma-trap sa biglaang pagtaas ng baha nitong Biyernes ng gabi.

Umabot na sa main highway ang baha sa gilid ng kalsadang naguugnay sa Maguindana­o at North Cotabato, partikular sa pagitan ng mga bayan ng Datu Montawal at Kabacan, kaya naman nalubog ang mga komunidad malapit sa mga ilog ng Malitubog at Maridagao sa North Cotabato.

Umaabot naman sa 6,000 ang mga pamilyang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay at piniling manatili sa gilid ng kalsada bitbit ang naisalba nilang mga gamit, habang pinagmamas­dan ang paglubog ng kanilang mga bahay sa mabilis tumaas na baha.

“The water suddenly rose, mahina lang man ang ulan kahapon,” kuwento ng isa sa mga apektadong residente.

Samantala, iniligtas naman ng mga sundalo at rescue workers mula sa Office of Civil Defense (OCD) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Humanitari­an Emergency Action Response Team (HEART) ng rehiyon ang mga natrap na residente sa Barangay Butig sa Datu Montawal, Maguindana­o, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Badria Sulayman, tagaBgy. Malabuaya, Kabacan, ito ang unang beses na naranasan niya ang biglaang pagtaas ng baha sa kanilang lugar.

“Biglaang tumaas ang tubig at umabot hanggang sa leeg namin! Buti na lang dumating ang mga sundalo at iyong mga naka-orange uniform,” salaysay ni Sulayman.

Walang iniulat na nasawi sa baha.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines