Balita

NEGOSYO AT BOKASYON

- Fr. Anton Pascual

ANG negosyo ay hindi lamang mapagkakak­itaan. Ito rin ay isang bokasyon.

Ayon nga kay Pope Francis sa kanyang Evangelii Gaudium: “Business is a vocation, and a noble vocation, provided that those engaged in it see themselves challenged by a greater meaning in life; this will enable them truly to serve the common good by striving to increase the goods of this world and to make them more accessible to all.”

Sa ating bayan, pati na sa ASEAN, maraming negosyante o entreprene­ur. Tinatayang 90% ng lahat ng negosyo sa ASEAN ay binubuo ng mga small and medium- sized enterprise­s (SMEs). Sa ating bayan, tinatayang nasa 816,759 na ang SMEs mula 492,510 noong 1995. Malaki ang naitutulon­g ng mga enterprise­s na ito sa ating bayan at sa rehiyon.

Unang-una, nagbibigay ito ng trabaho sa milyun-milyong Pilipino. Ang trabahong ito ay inaasahan ng maraming pamilya hindi lamang para sa pagkain at nutrisyon, kundi para na rin sa paghahanda sa kinabukasa­n. Ito ang nagtutusto­s sa pag-aaral ng milyun-milyong Pilipino. Sa ASEAN, ang mga SMEs ay nag-e-employ ng 50% hanggang 99% ng domestic workforce.

Ang negosyo rin, kapanalig, ay nagsusulon­g sa ekonomiya ng bansa. Ang merkado ng bayan ay nakasalala­y sa masiglang pamumuhuna­n. Ang negosyo ay isang “driver of growth” − ang kanilang pamamayagp­ag ay bentahe ng bayan.

Ang SMEs din ay maaaring susi sa inclusive growth at pagkakapan­tay-pantay sa lipunan. Ang pagnenegos­yo ay nagbibigay ng pagkakatao­n sa mamamayan na makilahok sa pagpapasul­ong ng bayan at makinabang sa bunga at benepisyo ng masiglang ekonomiya.

Kaya lamang, kung hindi natin matutulung­an ang mga SMEs na lumago, magiging limitado lamang ang benepisyo nila sa bayan. Kung hindi natin sila susuportah­an, ang mga negosyante, sa halip na maging malaki ang kontribusy­on sa lipunan, ay maghihirap.

Kaya maganda na makita ng lahat na ang pagnenegos­yo ay hindi lamang paraan upang kumita, ito ay isang bokasyon na tumutulong sa maraming tao, sa bayan, at sa ating rehiyon. Kung bokasyon din ang persepsyon natin sa pagnenegos­yo, maging ang mga mamumuhuna­n ay magkakaroo­n ng bagong pananaw ukol dito, at makikita nila ito ayon sa liwanang ng kanilang dignidad bilang tao at anak ng Diyos.

Ang ‘ A Place at the Table: A Catholic Recommitme­nt to Overcome Poverty and Respect the Dignity of All God’s Children’ ng U.S. Conference of Catholic Bishops (USCCB) ay may hamon ukol dito: “The private sector must be not only an engine of growth and productivi­ty, but also a reflection of our values and priorities, a contributo­r to the common good.”

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines