Balita

MABUTING BALITA

- “SIMBAHAY 2016” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Is 8:23—9:3● Slm 27 ● 1 Cor 1:10-13, 17 ● Mt 4:1223 [o 4:12-17]

Nang marinig ni Jesus na dinakip si Juan, lumayo siya pa-Galilea. Hindi siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali.

Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: “Makinig kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang ibayo ng Jordan; pakinggan ako, Galileang lupain ng mga pagano.

“Nakakita na ng malaking liwanag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.”

At magmula noon, sinimulang ipahayag ni Jesus ang kanyang mensahe: “Magbagumbu­hay; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.”

‘Liwanag sa Dilim’

Sa mga panahon ng mabibigat na problema o pagsubok sa buhay, masasabi natin: “Darating din ang umaga, ang bukang-liwayway sa ating buhay.” Tanging ang mga taong may pag-asa sa kanilang puso ang may kakayahang maniwala na may liwanag na darating.

Sa ebanghelyo, ang pagdating ni Jesucristo ay itinuring na katuparan ng propesiya ni Isaias: “Nakakita na ng malaking liwanag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan” ( b 16). Ayon sa kasaysayan, ang lupain ng Zabulon at Neftali na tinukoy ng propeta ay dumanas ng matinding pagsubok nang sakupin sila ng Asiria. Sa loob ng mahabang panahon, naging alipin ng mga dayuhan ang mga Israelita doon. Itong kolektibon­g karanasan ng paghihirap at pagkasakop ang nag-udyok sa kanila upang umasa na darating ang araw na ililigtas sila ng Diyos.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines