Balita

Bela at Arce, tuloy ang working relationsh­ip

- Ni ADOR SALUTA

SA intimate interview kay Bela Padilla right after My Dear Heart presscon, inamin niyang loveless na siya. Hiwalay na sila ni Neil Arce, ang businessma­n na may- ari ng dairy products na nag-venture na rin sa movie production.

Pero nilinaw ni Bela na bagamat break na sila, civil pa rin sila at hindi pa putol ang komunikasy­on sa isa’t isa.

Katunayan, may ginagawa siyang pelikula with Jericho Rosales, ang Luck at First Sight na concept ni Neil. Business partners pa rin sila.

“Oo, iba. I think when it comes to that side I value his opinion more than anybody else’s. Kasi magka-jive kami at ‘yung utak namin pagdating sa mga trabaho at pagdating sa mga concepts.”

Madali naman daw kausap si Neil, kaya maayo pa rin ang kanilang “setup”, kahit tapos na ang relasyon nila na tumagal din ng apat na taon.

“Parang hindi na dapat pag-usapan, eh, parehas naman kaming mature na tao. I would like to think na para sa age ko, I’m relatively mature kaya nga rin we were able to come up with a compromise na when it’s work, it’s work.”

Mutual decision ang kanilang paghihiwal­ay at hindi awkward para sa kanya ang patuloy na pakikipagt­rabaho nila sa isa't isa.

“Marami pa kamin concepts na ginagawa together. So after this movie ( Luck at First Sigh, hindi pa rin ‘yun ang last. Maka trabaho ko pa rin siya in the future Meron kami na parang pa-start na , na next concept. So I’m going to see him the whole year,”

Siguradong magiging busy si Bela sa buong taon dahil magsisimul­a nang umere bukas sa Primetime Bida ng Dos (after FPJ’s Ang Probinsyan­o ang My Dear Heart na pinagbibid­ahan nila ni Zanjoe Marudo at ang future child superstar na si Nayomi Ramos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines