Balita

Emma Luisa, pormal nang pumasok sa showbiz

- Ni DIANARA T. ALEGRE

“IT is never too late to pursue your dreams,” sabi ni Emma Luisa Viri na pormal na pumasok sa pag-aartista at pagmomodel­o sa edad na 37.

Masasabing huli na para abutin ang stardom, pero swak na swak pa rin ang beauty at kahusayan ni Emma sa pag-arte. Matagal na siyang nagtatraba­ho sa entertainm­ent industry pero dahil may sariling negosyo ay hindi niya hinangad na seryosohin ang acting.

Hindi kalakihang mga karakter ang ibinibigay kay Emma, pero marami nang show ang nasalihan niya. Napanood siya sa Muling Buksan Ang Puso, Got To Believe, Dream Dad, Doble Kara, Pangako Sa ’Yo, Maalaala Mo Kaya, Princess in the Palace, sa Lenten drama ng Eat Bulaga at pinakahuli sa kalyeserye nito bilang OB-Gyne ni Maine Mendoza at sa Trops bilang si Mommy Sylvia nina Jon Timmons at Taki Saito.

Pero mas namamayagp­ag siya sa TV commercial­s. Labing-anim na commercial­s na ang nagawa ni Emma at ang ilan sa mga ito ay ang Anna Banana ng PLDT na unang umeere noong 2012, ang naging daan upang makilala siya ng mga direktor at tangkiliki­n ang kanyang talento.

Kilala at may koneksiyon sa pulitika ang pamilya ni Viri sa Bulacan pero sa Manila siya lumaki. Nagtapos ng high school at kolehiyo sa De La Salle- College of Saint Benilde at kumuha ng masters degree sa Ateneo de Manila Graduate School of Business. Siya ang presidente ng Jose Alvarado foundation.

Nagtatag siya ng sariling negosyo at mayroong online business na nagbebenta ng bags, sapatos at accessorie­s galing Amerika. Mayroon na rin siyang isang anak.

 ??  ?? Emma
Emma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines