Balita

Ariana Grande, sasali sa Women’s March

-

NAGHAHANDA na si Ariana Grande para sa pagmamarts­a sa Sabado, ngunit hindi niya ito gagawing mag-isa.

Inihayag ng 23- anyos na singer sa Intragram na sasali siya sa Women’s March kasama ang kanyang ina na si Joan at lola na si Marjorie.

“I’m so excited to march with these two incredible ladies tomorrow! “caption ni Grande sa sweet na larawan nila ng kanyang ina at lola. “I can’t wait to share this #womensmarc­h with the strongest women in my life and with all of the other strong, beautiful, unique, empowered, brilliant, amazing women out there who are marching as well!”

Bagamat hindi ibinunyag ng pop star kung makikisali siya sa pagmamarts­a sa Washington D. C. o sa ibang lugar sa America, halatang masaya siya sa paglalaan ng panahon kasama ang kanyang pamilya.

“Three grandes to go please,” saad niya sa larawan na nakayakap siya kina Joan at Marjorie.

Suportado ni Grande ang mensahe ng Women’s March sa Washington, na magbibigay kamalayan sa pagsuporta sa kababaihan, minorya, at LGBTQ community sa buong administra­syon ni Trump.

Noong nakaraang buwan, nagsalita ang Dangerous Woman singer tungkol sa kanyang nararamdam­an na, “sick and objectifie­d” nang tawagin siyang “sexy as hell” ng kanyang misogynist­ic fan.

“I am not a piece of meat that a men gets to utilize for his pleasure,” aniya sa Twitter, at idinagdag na ito ay “kinds of moments that contribute to women’s sense of fear and inadequacy.” “I’m an adult human being in a relationsh­ip with a man who treats me with love and respect.”

 ??  ?? Ariana
Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines