Balita

Navy liyamado sa LBC Ronda.

-

KUMPIYANSA ang Team Navy na makahirit muli sa kabila ng pagkawala ng mga pambatong sina Ronald Oranza, El Joshua Carino at John Mark Camingao sa pagsikad ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition simula sa Pebrero 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang koronasyon ay magaganap sa Marso 4 sa Iloilo City.

Ayon kay Navy team captain Lloyd Lucien Reynante, nagdesisyo­n sina Oranza, Carino at Camingao na isantabi ang kampanya sa taunang karera na may kabuuang 14-stage upang ituon ang pansin sa pagsasanay para sa Navy.

“They can’t race because they’re under basic seaman course, they’re required to do it,” sambit ng 36-anyos na si Reynante.

Malaki ang naiambag nina Oranza, Carino at Camingao sa dominanten­g tagumpay ng Navy sa nakalipas na tatlong edition ng karera na itinuturin­g pinakamala­ki sa bansa.

May kabuuang P1 milyon ang premyong naghihinta­y sa kampeon mula sa presentor LBC, sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCyclin­g at 3Q Sports Event Management.

Kabilang din sa mga kalahok ang Go for Gold, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Bike Extreme, Zambales, Salic at One Tarlac.

Magsisimul­a ang karera sa Feb. 4 tampok ang dalawang stage sa Ilocos Sur at raratsada sa Angeles (Feb. 8), Subic (Feb. 9), Lucena, Quezon (Feb. 12), Pili, Camarines Norte (Feb. 14 at 16), Daet (Feb. 17), Paseo sa Sta. Rosa, Laguna (Feb. 19), Tagaytay at Batangas (Feb. 20), Calamba at Antipolo (Feb. 21) sa Iloilo City (Marso 3-4).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines