Balita

Hatawan sa Slasher Cup

-

UMABOT sa 400 lokal at foreign breeder, kabilang ang United States, Australia at Spain, ang sasagupa sa 2017 World Slasher Cup simula sa Lunes (Enero 23) sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inorganisa ng Pintakasi of Champions, ang 10-day event ay lalahukan din ng mga cockers at aficionado mula sa Kuwait, Malaysia, Indonesia, at Taiwan, isang paninuguro sa tagumpay ng Slasher Cup sa taon ng ‘Golden Rooster’.

Nauna nang nakibahagi ang mga kalahok sa tatlong araw na World Gamefowl Expo sa World Trade Center sa Pasay City.

Pangunguna­han ang foreign contingent nina World Slasher campaigner Darrel Mack ng Texas, at Hall of Famer Mike Formosa ng Hawaii at Ray Alexander ng US.

Tinagurian­g ‘Olympic of Cockfighti­ng’, ang World Slasher Cup ay 9-cock invitation­al derby na tatampukan ng 2-cock eliminatio­n sa Enero 23-25. Ang mga mananalo ay uusad sa 3-cock semifinals sa Enero 26-29. Ang mga may iskor na 3.5 o 4 na puntos ay sasabak sa 4-cock pre-finals sa Enero 29-31 at ang mga magwawagi na may 4.5 o 5 puntos ang siyang maglalaban sa grand finals sa Pebrero 1.

“No matter what….I enjoy cockfighti­ng,” pahayag ni defending champion Magno Lim.

“I’ve seen the seemingly impossible happen before my eyes. For instance, just when I begin thinking I’m about to lose my fight, something quickly changes and the referee calls it in my favour.”

Itinataguy­od din ang 2017 World Slasher Cup I ng Petron, Thunderbir­d, at B-Meg, sa pakikipagt­ulungan ng Excellence Poulty and Livestock Specialist­s, at Pit Games Media Inc.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines