Balita

Kings, hihiwalay sa Fuel Masters

- Mga Laro Ngayon (Philsports Arena) 4:30 n,h. – Alaska vs Mahindra 6:45 n.h. – Ginebra vs Phoenix Marivic Awitan

KAPWA lupasay sa kasalukuya­n ang kampanya, magtutuos ang Barangay Ginebra at Phoenix Petroleum, asam ang makaigpaw sa OPPO- PBA Philippine Cup ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kasalukuya­ng magkasalo sa ikatlong puwesto ang Kings at Fuel Masters hawak ang magkapareh­as na markang 5- 4 kasunod ng solong pumapangal­awang Globalport na hawak kahapon ang markang 5- 3 bago sumalang kontra defending champion at league leader San Miguel Beer na ikakasa simula 5: 00 kahapon sa Lapu- Lapu City sa Cebu.

Inaasahang magiging dikdikan ang laban ng dalawang koponan na kapwa galing sa tagumpay sa nakaraan nilang laban, ang Kings ay naghahanga­d ng kanilang ikatlong sunod na panalo matapos magwagi kontra Meralco( 83- 72) at Blackwater ( 99- 80) at ang Fuel Masters na nanaig naman kontra NLEX Road Warriors.

Ngunit, kailangang resolbahin ng Kings ang ilang suliranin kabilang ang injury kay Scottie Thompson, gayundin kina Japeth Aguilar ( hyperexten­ded) elbow at Aljon Mariano ( medial collateral ligament).

Aminado si Cone na tiyak na mahihirapa­n sila na makapag- adjust kung mawawala si Japeth.

Probably, I won’t lose sleep but yeah, I’m gonna worry, that’s darn sure,” sambit ni Cone.

“We’ve done a great job of being able to withstand Greg’s injury and have it to turn around and have to do that without Japeth would be very difficult, have both those guys out at the same time.,” aniya.

Para naman kay coach Ariel Vanguardia ng Phoenix, kailangan nilang makaangat dahil dehado sila sa quaotient sakaling magtabla- tabla papasok ng playoffs.

“Nothing to celebrate pa, lahat nung 5- 4 tinalo kami,’ ani Vanguardia kasunod ng 102- 91 panalo nila sa NLEX.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines