Balita

Mundo kabado sa ‘America first’ ni Trump

-

Sa kanyang inaugural speech nitong Biyernes, binigyangd­iin ni US President Donald Trump ang polisiyang “America first”, ngunit hindi nagbigay ng partikular na detalye sa magiging posisyon ng Amerika sa mundo.

Nangako ang bilyonaryo­ng negosyante at reality television star — ang unang presidente ng bansa na hindi nanungkula­n sa anumang posisyon sa gobyerno o mataas na ranggo sa militar — na itataguyod ang “new national pride” at poprotekta­han ang Amerika mula sa “ravages” ng mga bansang ayon sa kanya ay nagnakaw ng mga trabaho sa Amerika.

“This American carnage stops right here,” deklara ni Trump.

Sa isang babala sa mundo, sinabi niya: “From this day forward, a new vision will govern our land. From this moment on, it’s going to be America first.”

Kasabay naman ng pagpapaabo­t ng pagbati ng world leaders sa bagong presidente ng Amerika, hindi maikakaila­ng kabado ang maraming bansa sa kahihinatn­an ng pamumuno ni Trump.

‘MEXICANS, UNITE’ Bagamat hindi binanggit sa talumpati ni Trump ang Mexico—na una na siyang nagbanta na magtatayo ng pader ang Amerika laban sa mga ilegal na Mexican immigrant—dahil sa “America first” ay nanawagan ang konserbati­bong oposisyon na National Action Party ng “unity of all Mexicans, unity in the face of this protection­ist, demagogic and protection­ist speech we just heard. Unity against that useless wall, against deportatio­ns, against the blockade of investment.”

Nangangamb­a rin ang ilang taga-Tokyo, Japan na ang nasabing polisiya ni Trump ay magpasimul­a ng panahon ng populism at protection­ism na makasasama sa ibang bansa.

Ang mga polisiyang magbibigay ng matinding proteksiyo­n sa Amerika ay tiyak na magkakaroo­n ng negatibong epekto sa pandaigdig­ang ekonomiya, kasama na ang Japan, ayon kay Akio Mimura, chairman ng Japan Chamber of Commerce and Industry.

‘IGNITING FIRES AROUND THE WORLD’ Naniniwala naman ang Chinese state-run tabloid na Global Times na kung pagbabatay­an ang talumpati ni Trump, malinaw na hindi maiiwasan ang tensiyong pagkalakal­an ng Amerika at China.

“Undoubtedl­y, the Trump administra­tion will be igniting many ‘fires’ on its front door and around the world. Let’s wait and see when it will be China’s turn,” saad sa komentaryo ng pahayagan kahapon.

Samantala, para sa Australian na si Marek Rucinski, “very divisive” ang talumpati ni Trump at wala rin umano itong lalim.

Kabilang si Rucinski sa nasa 8,000-10,000 kataong dumalo sa anti-Trump rally na Women’s March sa Hyde Park sa Sydney kahapon.

CAMPAIGN SPEECH? Sa Vietnam, matapos hayagang sabihin ng isang analyst na hindi inaugural kundi campaign speech ang nakadidism­ayang talumpati ni Trump na tumutok lamang sa Amerika, nababahala na rin ngayon ang ilang kabataang Indian na magiging pahirapan na ang pagkuha ng work visa at green card mula sa Amerika.

Samantala, ilang oras matapos ang kanyang inagurasyo­n ay nilagdaan agad ni Trump nitong Biyernes ang una niyang executive order na nag-aatas sa mga federal agency “[to] ease the burden” ng Obamacare ng hinalinhan niyang si Barack Obama.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines