Balita

Miss U bets, bukas ang meet-up kay Digong

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

INAASAHANG makikipagk­ita

si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidata ng 65th Miss Universe Pageant sa Malacañang Palace, ayon sa Department of Tourism (DoT).

Kinumpirma ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre na pupunta ang mga kandidata sa Malacañang dakong 2:00 ng hapon bukas.

“Pinaghanda­an ‘ yan at nagpapasal­amat nga kami sa mga staff ni Pangulong Duterte na naghanda pa ng lunch para sa ating mga kandidata,” ani Alegre sa panayam ng Radyo ng Bayan sa kanya.

Idinagdag pa niya na interesado ang mga kandidata na makita ang Pangulo nang dumating sila sa bansa.

“’Pag Monday, Cabinet meeting ‘yan pero talagang napagbigya­n niya ang request na makilala ng mga Miss Universe candiates siya at ‘yan ay magaganap po sa Lunes,” aniya.

Ayon kay Alegre, inaayos na nila ito para makapagpak­uha ng mga litrato at kahit selfies ang mga kandidata sa Pangulo.

Inihayag din ni Alegre na dadalo si Duterte sa Miss Universe Coronation sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Enero 30. Uupo si Duterte katabi si Tourism Secretary Wanda Teo.

“Pinaghahan­daan na rin natin ‘yan, ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa Miss Universe sa January 30, 8 in the morning,” aniya.

Nagbalik-tanaw din si Alegre sa naging trabaho ng DoT para maisagawa ang Miss Universe sa Pilipinas pagkaraan ng higit dalawang dekada.

“Binanggit po ni ( Under) Secretary Kat de Castro na sa dahilan kung bakit natin pinush ito kay Pangulong Duterte at sa mga organizing committee ay because ito ay makakatulo­ng sa pag-angat ng turismo at maibalik sa awareness ng mundo ang Pilipinas,” aniya.

“Marami pong mga tao na dati nang ayaw magpunta dito. Ngayon, eh, gumaganda na ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansang ito dahil kay Pangulong Duterte.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines