Balita

DAYUHANG TURISTA NA DUMAGSA SA PILIPINAS, PUMALO SA 5.39 NA MILYON SIMULA ENERO HANGGANG NOBYEMBRE 2016

-

DAHIL sa pursigidon­g pagsisikap ng Department of Tourism na mapasigla pa ang turismo sa bansa, umabot sa 5.39 na milyong dayuhang turista ang dumagsa sa bansa simula Enero hanggang Nobyembre 2016.

Inihayag ni Department of Tourism Undersecre­tary Benito Bengzon Jr. na ang nasabing bilang ay 12.12 porsiyento­ng mas malaki kumpara sa mga naitalang bumisita sa kaparehong panahon noong 2015.

“We now have 5.39 million foreign visitors for the first 11 months (of 2016) representi­ng a growth rate of 12.12 percent,” saad sa pahayag ni Bengzon sa mga mamamahaya­g.

Inilahad pa ni Bengzon na dumoble ang dami ng bumisita sa Pilipinas mula sa South Korea, United States of America at Japan, at nakapagbig­ay ng kontribusy­on para makamit ang pinakamata­as na 11-buwang produksiyo­n ng bansa.

Nakapagtal­a rin ng dobleng bilang ng pagbisita mula sa Taiwan, United Kingdom, Canada, at India.

Idinagdag pa ng opisyal na mas maraming turista ang pumasok sa bansa sa tulong ng secondary gateways.

“We have maintained the momentum and continue to drive tourist traffic particular­ly to the secondary gateways,” sinabi ni Bengzon.

Nang tanungin kung totoo ang mga balita na hindi naabot ng Pilipinas ang target nito na anim na milyong tourist arrivals sa pagtatapos ng 2016, sinabi ni Bengzon na kukumpirma­hin pa niya ito sa Department of Tourism.

Ngayong 2017, target ng Department of Tourism na makapagtal­a ng 6.5 milyong tourist arrivals sa pagtapos ng taon, sa tulong ng mga pandaigdig­ang kaganapan, tulad ng 65th Miss Universe pageant, ASEAN@50, Madrid Fusion Manila, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines