Balita

Imelda Papin, bagong presidente ng actors’ guild

- Ni JIMI ESCALA

SI Imelda Papin ang nahalal na bagong presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).

Kaya ngayon pa lang ay may mga magtataas na raw ng kilay sa pagkakapan­alo niya dahil mas kilala nga naman siya bilang singer kaysa pagiging artista.

Pagtatangg­ol ng isang katoto na malapit kay Imelda, may mga pelikula rin naman daw na nagawa noon ang Queen of Sentimenta­l Songs. Katunayan, nakapareha pa nga raw ni Imelda si Fernando Poe Jr. sa isang pelikula.

“Sa totoo lang, kahit mas kilala siya bilang singer, eh, may mga tinutulung­an din naman ‘ yan na mga artista at very active member pa rin si Imelda ng actor’s guild. Kaya naman marami ang pumabor sa kanya para maging pangulo ng KAPPT,” sey sa amin ng beteranang manunulat.

Pinalitan ni Imelda Papin si Rez Cortez na mananatili naman isa sa mga board member at hawak din nito ang chairmansh­ip ng membership committee.

S a pagkakaala­m ng aming source, si Dina Bonnevie ang mahigpit na nakalaban ni Imelda para sa KAPPT presidency. Pero kahit natalo ay nagpahayag naman daw si Dina na more than willing siyang tumulong sa mga proyekto ng kapisanan at gusto pa rin daw ng aktres na mapasama bilang board member.

Bukod kay Imelda Papin, ang iba pang mga bagong opisyales ng KAPPT ay sina Amay Bisaya (VP for internatio­nal affairs), Ricardo Cepeda (VP for external affaairs), Lyn Madrigal (treasurer), Direk Perry de Guzman (secretary), at sina Jess Lapid Jr. at Val Iglesia ang ilan sa mga nanalo bilang board members.

Samantala, tuloy pa rin daw ang inihaing protesta si Imelda Papin against sa nakalaban niya bilang kongresist­a ng Camarines Sur na si Rep. Arnulfo Fuentebell­a na tumalo sa kanya nitong nakaraang eleksiyon.

 ??  ?? Imelda
Imelda

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines