Balita

Madonna, ‘positibo’ ang pananaw sa pagiging pangulo ni Donald Trump

-

BAGAMAT nakilala bilang isa sa mga kritiko ng bagong US President na si Donald Trump, naging positibo si

Madonna sa inagurasyo­n ng una noong Biyernes.

“He’s actually doing us a great service, because we have gone as low as we can go,” aniya noong Huwebes ng gabi. “We can only go up from here, so what are we going to do? We have two choices, destructio­n and creation. I chose creation.”

Nagsalita ang superstar, na naka-all black at nakasuot ng shirt na may nakasulat na “Feminist,” sa Brooklyn Museum kasama ang artist na si

Marilyn Minter tungkol sa art sa panahon ng protesta, at iba pa, sa talakayan na ang awtor at poet na si Elizabeth Alexander ang naging moderator. Ipinalabas ang clip ng awtor na si James

Baldwin, na inspirasyo­n ni Madonna, bago siya nagsalita, tulad ng kanyang short film noong 2013 na Secret Revolution, na inialay sa mga taong inabuso ang mga karapatan.

Isang gabi bago naging pangulo si Trump, nangako sina Madonna at Minter na mangunguna sa mga protesta laban dito, kabilang ang pagdalo sa Women’s March sa Sabado sa Washington.

“This is the most frightened I’ve ever been,” ani Minter. “The most qualified candidate who ever ran was defeated by the most unqualifie­d candidate who ever ran, and it’s all because of misogyny.”

Bagamat sinabi ni Madonna na “horrified” siya sa pagkakapan­alo ni Trump laban kay Hillary

Clinton, naniniwala siya na kailangan itong mangyari.

“I do believe that Trump was elected for a reason, to show us how lazy and un-unified and lackadaisi­cal and taking for granted we’ve become of our freedom and the rights that we have as Americans,” saad ni Madonna. “I feel like people forgot what was written in the Constituti­on.”

Aniya pa: “They always say it’s darkest before the dawn and I feel this had to happen to bring people together, so let’s get this party started.”

Hindi lang pulitika ang naging paksa ng superstar. Ibinahagi rin ni Madonna ang kanyang pagsisimul­a sa New York, ang pagsama niya sa mga alagad ng sining tulad nina Andy Warhol at Keith Haring, at ang kawalan ng bilib ng kanyang mga anak sa kanyang iconic career.

“They want nothing to do with it,” aniya. “I always say with my kids, every day is a small crucifixio­n.”

Ipinaliwan­ag din ni Madonna kung bakit niya tinatawag na feminist ang kanyang sarili.

“I believe that women have the right to be treated with the same human rights as men,” ani Madonna “I feel like we are still very far behind.

 ??  ?? Madonna
Madonna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines