Balita

Crosswords

- Ni Leonardo T. Buluran

(Ika-150 labas)

TULAD ng napagkasun­duan ng magkarants­ong Ramon at Rambo, naroon na sila sa hindi kalayuan sa may riles ng tren. “Jackpot tayo, kasamang Rambo.” “Bakit?” “Mas maraming koleksiyon ‘tong loko. Bukod sa weekly, may monthly pa. ‘Di ba katapusan ng buwan ngayon?” Sa mga pinahuhulu­gan kasing gamit at kasangkapa­n, may lingguhan at may kinsenasan. Kung ganitong tapat sa katapusan o kung a-kinse ng buwan, higit sa doble ang nakokolekt­a.

May naisip si Rambo. “Naka- motorsiklo nga pala ang lokong ‘yon, Kosa. Mas mabilis ‘yon pag daan dito.”

“’Yan ang sinasabi ko sa ‘yo, Rambo.” Parang inis si Ramon. “’Di ba sinabi ko, dapat bago dumaan ‘yong mokong, narito ka na?” “Narito na naman ako, a.” “Alam ko kung sino ‘yong isinama ko rito para dalhin ‘yong bangkong ihaharang natin? ‘Yong ugok na si Tato. Tinatanong nga kung sa’n natin gagamitin. ‘Buti na lang mahina ang kokote kaya nabola ko.”

Alam ni Rambo, napag-usapan na nila, pag daraan na ang motorsiklo ni Junjun, haharangan nila ng kahit ano ang daan para mapahinto ang motorsiklo ng negosyante.

“E, nasa’n ‘yong bangko? Sorry, Ramon… kung ‘di ako dumating agfad para ako na ang nakabuhat ng bangko.”

“Sorry ka lang naman talaga nang sorry!” Hindi na itinago ni Ramon ang inis sa boses. “Ayon, kunin mo na’t daraan na ‘yon.”

Itinuro ni Ramon kay Rambo ang bangkong nakatago sa ilalim ng isang may kalaguang punong gumamela.

Nang tiyempong may gumuhit na liwanag sa laganap nang dilim. Matitiyak na ang liwanag ay mula sa ilaw ng motorsiklo­ng parating. Mabilis na nakuha ng dalawa ang nakatagong bangko. “Siya na ‘yan,” sabi ni Ramon. “Pa’no kung iba?” parang tutol pa si Rambo.

“Sa ganitong oras wlang ibang daraan kundi ang bugok na ‘yon.”

Tiyempong naihaharan­g nila ang bangko, sa darating ang motorsiklo. At hindi sila nabigo. Ito nga ang Junjun.

Naisuot nina Ramon at Rambo ang nakahanda nilang pantakip sa mukha. Tiyempo namang nakahinto na ang motorsiklo ni Junjun at bumaba sa kanyang sasakyan para alisin ang nakaharang na bangko.

“H’wag kang kikilos! Holdap ito!”

“K’warta lang kailangan naming. ‘Pag hindi mo ibinigay todas ka!”

Magkasabay nang nakalapit kay Junjun sina Ramon at Rambo. Nakakatuto­k agad sa negosyante ang kanilang mga patalim.

Taas kaagad ang dalawang kamay ng negosyante. “’Wag niyo akong patayin! Maawa kayoo sa ‘kin!”

Sanhi ng marahil sa pagkaliban­g ng dalaang holdaper habang kinukuha ang bag ni Junjun na may lamang koleksiyon na mahigpit ang pagkakatal­i sa likurang bahagi ng upuan ng motorsiklo, hindi nila napansin ang pagliliwan­ag sanhi ng dalawang ilaw na parating na dyip.

Si Junjun ang nakapuna ng pagdating ng dyip kaya sumigaw ito:\

“Saklolo! Saklolo! Hinoholdap ako!” Sabay karipas ng takbo.

Lumundag mula sa kanyang sasakyang ang nagmamaneh­o ng dyip na walang iba kundi si SPO3 Ricarte. Bunot kaagad ng baril at nakatutok sa dalawang holdaper na hindi pa niya kilala nang mga sandaling iyon dahil may mga takip ang mukha.

“Pulis ‘to!” sigaw ni Sarhento. “H’wag kayong magtangkan­g lumaban, masasayang kayo!”

“Hindi kami lalaban!” panabayang sigaw nina Ramon at Rambo Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines