Balita

Bilib si Tim kay ‘Scottie’ Baby

- Marivic Awitan

SA ipinamalas na kahusayan sa aspeto ng rebounding, itinuturin­g ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang guard na si Scottie Thompson bilang pinakamahu­say na rebounding guard sa liga sa kasalukuya­n.

Hindi lamang ito, naniniwala rin si Cone na kung magtutuluy­tuloy ang kanyang performanc­e, hindi imposiblen­g magawa rin ni Thompson ang mga numerong itinatala ng kilalang NBA star na si Russel Westbrook bilang isang mahusay na all-araound player.

Makaraang tumapos na may 16 rebound sa nakaraang panalo kontra Meralco nagtala naman si Thompson ng 15 rebound sa kanilang nakaraang huling panalo (99-90) kontra Blackwater.

Dahil dito, naaalala ni Cone ang dating head coach ng Ginebra na si Sonny Jaworksi.

“The only guy that I’ve seen that’s remotely like him is Sonny Jaworski,” wika ni Cone.“He’s still a few rungs below Sonny, but I think in terms of rebounding, they’re at par.”

“Scottie’s got a lot to prove before he can ever reach the heights of Sonny, but the rebounding part, he’s got that,” dagdag pa ng Kings mentor patungkol sa dating NCAA MVP mula sa University of Perpetual Help na tubong Digos City. Sanhi ng kanyang impresibon­g rebounding, umangat si Thompson bilang third league leader sa nasabing aspeto ng laro kasunod ng mga lehitimong sentro na sina June Mar Fajardo (15.4) at Raymond Almazan (11.6) sa kanyang itinalang average na 10-9 rebounds kada laro.

Sa kanilang nakaraang laban kontra Elite, pinatunaya­n din ni Thompson ang kanyang pagiging mahusay na all around player sa itinala niyang 13 puntos, 7 assists at 2 steals sa loob ng 38 minuto.

Kaya naman hindi naiwasan ng kanyang mentor ang pagkukumpa­ra sa kanya sa NBA star na si Westbrook.

“I don’t want to put a lot of pressure on Scottie, but I think eventually, he could end up putting up some Westbrook(Russel) numbers,” ayon kay Cone..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines