Balita

Vitamin B kontra polusyon

-

HONGKONG (CNN)—Makatutulo­ng ang Vitamin B upang malabanan ang mga epekto ng polusyon sa hangin, ayon sa isang bagong pag-aaral na inilabas nitong Lunes.

Siniyasat ng isang grupo ng internatio­nal researcher ang pinsalang dulot ng pollutant na may pinakamati­nding epekto sa kalusugan: ang PM2.5.

Natuklasan ng grupo na ang arawaraw na pag-inom ng Vitamin B supplement ay makatutulo­ng upang mabawasan ang epekto ng maliliit na particles sa katawan ng tao, ngunit ipinagdiin­an na kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri.

“These particles are so small they can go into our respirator­y system,” sabi ni Chak K. Chan, professor ng Atmospheri­c Environmen­t sa School of Energy and Environmen­t, City University ng Hong Kong, sa CNN. “They can go deep into our lungs.”

Sa oras na malanghap ang particles, maaari itong magresulta sa pamamaga ng baga at stress, ayon sa mga eksperto.

Lumabas sa pananaliks­ik na sa apat na linggong pag-inom ng mga kalahok ng B vitamin supplement­s (binubuo ng 2.5 mg ng folic acid, 50 mg ng B6, at 1 mg ng B12) ay nabawasan ng 28-76% pinsala ng PM2.5 exposure sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines