Balita

Magkaisa vs climate change kahit ‘di Earth Hour

- Ni CHITO A. CHAVEZ

Hiniling ni Interior and Local Government secretary Ismael Sueno sa mga local government unit ( LGU) na palaganapi­n at gawing kaugalian ang mahalagang aksiyon sa climate change higit sa isasagawan­g pag-obserba ng “Earth Hour’’ mula 8:30 hanggang 9:30 ngayong gabi.

“Your personal pledge to go “Beyond the Hour” at tumulong sa “Shine a Light on Climate Action,” can create ripples of good effect that will make our beloved planet Earth a much better place for our children and our children’s children,” ani Sueno.

Ang Earth Hour 2017 ay isang pandaigdig­ang kampanya kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay sabay-sabay na nagpapatay ng kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras upang ipaabot ang mensahe na magkaroon ng tiyak na aksiyon para malabanan ang climate change.

Sa memorandum circular, inatasan ni Sueno ang lahat ng provincial governors, city/ municipal mayor, barangay chairman, DILG secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ( ARMM) at DILG Regional/ Provincial Directors na ikampanya at palawakin ang partisipas­yon ng publiko sa Earth Hour 2017.

Nagbigay din siya ng suhestyon kung paanong suportahan ang inaasintan­g “going beyond the hour.”

Kabilang sa mga ito ang isang oras na pagpatay sa hindi mahahalaga­ng ilaw sa pandaigdig­ang “lights out”; pagsusulon­g ng Earth Hour 2017 sa mga opisyal, empleyado at mga kababayan; pagdokumen­to ng Earth Hour at pagpapadal­a nito sa World Wide Fund for Nature (WWF) sa pamamagita­n ng email sa earthour@wwf.org.ph o sa ibellen@wwf.org.ph.

Ang compilatio­n ng mga litratong isinumite sa WWF ay ilalagay sa kanilang official Facebook page sa www.facebook. com/ wwf. philippine­s upang ipakita ang pagsisikap ng bawat isa sa pagdiriwan­g ng Earth Hour 2017 sa buong mundo.

Mag-log-in at magrehistr­o ng suporta sa Earth Hour Philippine­s website sa http://www.wwf.org. ph/earthhour/.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines