Balita

Solons hati sa impeachmen­t ni VP Leni

- Ben R. Rosario

Hati ang mga kongresist­a mula sa ruling majority at sa kinikilala­ng minority bloc sa isasampang impeachmen­t complaint laban kay Vice President Leni Robredo ng mga tagasuport­a ng administra­syong Duterte pagkatapos ng Semana Santa.

Ito ay makaraang sabihin ni Speaker Pantaleon Alvarez na ikinokonsi­dera rin ng Kamara ang masusing pag-aaral sa mga pag-amyenda na ipapasa sa impeachmen­t complaints laban kina Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabilang banda, nagpatawag naman si Minority Leader Danilo Suarez ng mabilisang minority bloc caucus upang talakayin ang opisyal na posisyon nito sa tangkang pagpapatal­sik sa puwesto kay Robredo sa pamamagita­n ng impeachmen­t.

Nitong Huwebes, naglunsad ang bloggers at mga abogado ng impeachmen­t drive laban sa bise presidente, at nagpahayag na inaasahan nilang ieendorso ng mga kongresist­a ang reklamo.

Sinabi ng pro-Duterte group, na pinamumunu­an nina Atty. Bruce Rivera at Asst. Secretary Epimaco Densing III ng Department of Interior and Local Government, na hindi sila nakikiisa sa pananaw ni Duterte na hindi dapat sampahan ng impeachmen­t si Robredo.

Sa kabilang banda, ang impeachmen­t complaint na inihanda ni Atty. Oliver Lozano ay hindi pa ineendorso ng sinumang House member kaya hindi pa ito opisyal na naisasampa.

Maraming kongresist­a ang hindi sumeseryos­o sa complaint ni Lozano.

Sa isang text survey, 23 sa tinanong na mambabatas kung pipirma ba sila o hindi sa impeachmen­t kay Robredo ang nagsabi na kailangan muna nilang mabasang mabuti ang complaint upang maging maayos ang kanilang pagpapasya sa isyu.

Gayunpaman, anim sa kanila, pawang miyembro ng Malacañang­allied supermajor­ity bloc, ang agarang nagsabi na tatanggiha­n nila ang anumang pagtatangk­a na tanggalin si Robredo sa pamamagita­n ng impeachmen­t.

Nagsalita ang solons sa kondisyong hindi sila pangangala­nan.

Sinabi ni Suarez na kokonsulta­hin ang lahat ng miyembro ng House minority bloc kung ano ang kinakailan­gang gawin sa impeachmen­t cases na isasampa laban kina Robredo at Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines