Balita

Lolo kinatay sa bahay ng kanyang ‘babae’

- Jel Santos

Isang matandang lalaki na umano’ y nambababae ang natagpuang patay, taglay ang mga saksak sa katawan, sa harap mismo ng bahay ng kanyang “babae” sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Reynaldo “Boy” Bautista, 61, ng Barangay Muzon, Malabon. Apat na araw na umano itong nawawala.

Base sa imbestigas­yon, natagpuan ang bangkay ni Bautista sa harap ng bahay ng kanya umanong babae sa Barangay Muzon, Malabon, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ayon sa mga residente, natagpuan nila ang bangkay na nakabalot sa asul na plastic bag at packaging tape.

Sa salaysay ni Malabon Police chief Sr. Supt. John Chua, marami umanong kabit ang biktima kaya posible umanong selos ang dahilan ng pamamaslan­g.

Ayon kay Chua, kilala na nila ang suspek. Gayunman, tumanggi siyang pangalanan ito at sinabing baka makaapekto sa kanilang pag-aresto sa oras ito’y pinangalan­an.

“The victim is allegedly involved in an illicit affair. We now have a lead, but we can’t sill reveal his identity because we are currently conducting a follow-up operation,” sambit ni Chua.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines