Balita

NASA IKA-72 TAYO SA GNH NGUNIT MAAARI PA NATING MAPATAAS ITO

-

TRADISYON nang tukuyin ang antas ng mga bansa batay sa kanilang Gross Domestic Product (GDP) na sumusukat sa halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong iniaalok ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ngayong taon, nangunguna ang United States sa GDP, kasunod ang China, Japan, Germany United Kingdom, France, India, Italy, Brazil at Canada.

Taong 2011 nang inaprubaha­n ng United Nations General Assembly ang resolusyon na nag-iimbita sa mga kasaping bansa upang sukatin ang kaligayaha­n ng mamamayan nito at gamitin ang makukuhang datos bilang gabay sa paglikha ng mga pampubliko­ng polisiya. Ito ang pinagsimul­an ng Gross National Happiness (GNH) index, na ibinabatay sa anim na bagay—ang per capita GDP, suportang panlipunan, tagal ng malusog na buhay, kalayaan sa pagpapasya, at kawalan ng kurapsiyon sa gobyerno at sa negosyo.

Sa listahan ng GNH ng 155 bansa, nangunguna ngayong taon ang Norway, na sinusundan ng Denmark, Iceland, Switzerlan­d, Finland, Netherland­s, Canada, New Zealand, Sweden, at Australia. Ang nangunguna sa GDP, ang Amerika, ay pang-14 lamang sa GNH, habang nasa ika-79 na puwesto naman ang China.

“Happy countries are the ones that have a healthy balance of prosperity, as convention­ally measured, and social capital, meaning a high degree of trust in a society, low in inequality, and confident in government,” sabi ni Jeffrey Sachs, director ng Sustainabl­e Developmen­t Solutions Network (SDSN) na naghanda sa pag-aaral at sa listahan para sa United Nations.

Ang mga bansang Nordic ang nanguna sa listahan ng GNH. Sa pananaw ni Meik Wiking, chief executive officer ng Happiness Research Institute sa Copenhagen, Denmark, ito ay dahil ang mga bansang ito sa Northern Europe ay mayroong “sense of community and understand­ing in the common good.”

Gaya ng inaasahan na, nangulelat sa listahan ang Syria at Yemen, na parehong ilang taon nang winawasak ng digmaang sibil, na pinaigting ng pagkamuhi sa relihiyon, kasama ang maraming bansa sa sub-Saharan Africa.

Sa bahagi nating ito sa mundo — sa Silangan at Timog-silangang Asya — pinakamata­as sa listahan ang Singapore sa ika-26 na puwesto. Pang-32 ang Thailand, ika-33 ang Taiwan, ika-42 ang Malaysia, ika-51 ang Japan, ika-56 ang South Korea, at pang-71 ang Hong Kong. Ang Pilipinas ay pang-72 sa listahan.

Kung susumahin, nasa gitna tayo ng listahan ng 155 bansang sinuri para sa pag-aaral. Para sa isang bansang ipinagsisi­gawan sa mundo na “it’s more fun in the Philippine­s”, dapat na mas mataas pa sa 72 ang puwesto natin sa GNH list. May posibilida­d na pumuwesto tayo sa listahan ng mas mataas pa kung mapabubuti pa natin ang ating iskor sa ikaanim na factor na ginamit sa pagsukat sa GNH—ang kawalan ng kurapsiyon sa gobyerno at sa mga negosyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines