Balita

GINAGAYA LANG NG KADAMAY SI DU30

- Ric Valmonte

MAHIGIT isang linggo nang umookupa sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno ang 6,000miyembr­o ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap ( KADAMAY) sa Pandi, Bulacan. “Hindi kami natatakot at hinding-hindi kami aalis,” mariin nilang sigaw, habang hinihintay ang eviction notice mula sa mga opisyal ng National Housing Authority (NHA). Bago pa man sumikat ang araw ay nagbarikad­a na ang grupo sa paligid ng Pandi Residence-3 Atlantika housing project laban sa mga magsisilbi ng eviction notice. Nag- rally din ang nasa 200 miyembro nito sa harap ng NHA Central Office, kasama ang ibang mga urban poor sa Metro Manila upang hilingin na ibigay na lang sa mahihirap na pamilya sa Bulacan ang matagal nang nakatiwang­wang na socialized­housing project doon.

Tama si National AntiPovert­y Commission Chair Liza Maza. Ang ginagawa ng KADAMAY ay nagpapakit­a lang ng kabagalan ng gobyerno sa pagpapagaw­a ng pabahay para sa mga mahirap. Totoo, labag sa batas ang ginagawa nito. Sabi nga ng opisyal ng NHA dapat ay kilalanin nito ang Rule of Law. May proseso na dapat nitong sundin bago makinabang ang kanilang miyembro sa pabahay ng gobyerno. Ang mga unit na inokupahan na ng mga miyembro nito ay nakalaan na raw sa ibang mahirap na kagaya nila. Sila, aniya, ang nagdaan sa proseso at sa kanila naibigay ng NHA ang mga unit.

Hindi ang administra­syong ito ang may moral authority para pasunurin ang mamamayan, tulad ng mga miyembro ng KADAMAY, sa Rule of Law. Eh, ang mahigit 8,000 napatay nito sa kampanya laban sa ilegal na droga ay kauri nila. Sa pagpatay sa kanila, inilagay nito sa kanyang kamay ang batas. Matiisin lang ang mga nasa KADAMAY na sa kabila ng kanilang kahirapan, ay pinipilit nilang mabuhay ng patas. Hindi sila gumagamit ng droga para maparalisa ang kanilang pagal na katawan at hindi maramdaman ang kahirapan. Hindi rin sila nagtutulak ng droga para pantawid gutom. Kaya nga lang, dumating na rin ang sukdulan na hindi na nila kayang lalabuylab­oy at kung saan na lang sila abutin ng gabi. Inilalaban nila ngayon ang kanilang pagiging tao, ang mabuhay naman ng may karangalan. Ayan na nga at may mga pabahay ang gobyerno na matagal nang nakatiwang­wang, bakit hindi nila sasamantal­ahin ang pagkakatao­n?

Ayon NHA, mayroon na silang pinagbigya­ng mga dukha na kagaya rin nila ayon sa proseso. Pero, bakit hanggang ngayon ay bakante pa rin ang mga bahay? Dapat imbestigah­an ng Senado ang sitwasyong ito. Ukilkilin ang programang pabahay na pinaiiral ng NHA. Alamin kung sino na ang pinagbigya­n nito ng mga matagal nang nakatiwang­wang na unit. Ang pera ba para sa proyekto ay talagang nagagamit para rito? Bakit napakabaga­l ng NHA sa pagpapaira­l ng proyektong pabahay ng gobyerno?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines