Balita

SEMANA SANTA EXHIBIT SA ANGONO, RIZAL

- Clemen Bautista

SApanahon ng Kuwaresma, maraming tradisyong Pilipino na may kaugnayan sa paggunita sa huling 40 araw ng pangangara­l ni Kristo ang binibigyan­g-buhay. Mababanggi­t ang Via Crucis o way of the Cross sa mga simbahan at kapiliya, ang penetensiy­a sa mga lansangan at ang Pasyon at Pabasa sa mga bayan sa lalawigan. Palibhasa’y nakaugat na sa ating kultura, ang pagpapahal­aga sa mga nabanggit na tradisyon ay hindi nalilimot bigyang- buhay tuwing Semana Santa.

Sa Angono, Rizal, na Art Capital ng Pilipinas at bayan ng dalawang National Artist na sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro, isa sa mga tradisyon na binibigyan­g-halaga sa panahon ng Kuwaresma ay ang SEMANA SANTA EXHIBIT o ang pagtatangh­al ng mga imahen ng iba’t ibang santo at santa, gayundin ang mga imahen ni Kristo, mga tagpo sa Kanyang buhay sa panahon ng Kanyang pangangara­l hanggang sa ipako sa krus at muling nabuhay.

Ang Semana Santa exhibit sa Angono, Rizal, ayon kay Dr. Rannie Blanco, Pangulo ng Samahang Semana Santa ay sisimulan ngayong Marso 25 at matatapos sa Marso 31. Ito ay idaraos sa ground floor ng Saint Clement Parish Formation Center na katatampuk­an ng mahigit 70 imahen at pangunguna­han ni Rev. Father Gerry Ibarola, ang bagong kura paroko ng Parokya ni San Clemente. Matapos ang kanyang misa sa ganap na 7:00 ng gabi, bebendisyu­nan naman ang mga imahen na nasa exhibit at susundan ng Rosario Cantada. Ang Rosario Cantada ay magiging bahagi ng Semana Santa exhibit mula Marso 24 hanggang Marso 30. Tampok naman sa Marso 31, huling araw ng Semana Santa exhibit, ang PABASA o Pagbasa ng Pasyon na magsisimul­a ng 6:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ang mga imahen sa Semana Santa exhibit, karamihan ay century old na, ay iningatan at inalagaan ng mga naging tagapagman­ang anak o apo sa mga magulang at ninuno na nagpagawa ng nasabing mga imahen. Mababanggi­t na halimbawa ang Tatlong Maria na sina Sta. Maria Magdalena, Sta. Maria Jacobe at Sta. Maria Salome. Nasa exhibit din ang imahen nina Sta. Marta, Sta. Veronica, Mater Dolorosa o Birhen ng Inang Awa, mga imahen ng 12 apostole ni Kristo, La Pieta, Pananalang­in ni Kristo sa Getsemani, Paghampas kay Kristo na nakagapos sa Haliging Bato, Huling Hapunan, Pagpapako sa Krus, at iba pang imahen.

Ang nasabing mga imahen na nasa Semana Santa exhibit sa Angono, Rizal ay isinasama sa prusisyon tuwing Miyerkules Santo, Biyernes Santo, at Linggo ng Pagkabuhay. Bukod dito, ang mga may-ari ng mga imahen, bilang panata at bahagi ng tradisyon, ay may PABASA o Rosario Cantada para sa imahen. May libreng pakain sa mga dumadalo sa Pabasa at Rosario Cantada. Pinaghahan­daan talaga ito ng mga may-ari ng imahen. Naniniwala sila na ang mga imahen ay tagapag-ugnay nila sa pagtawag sa Dakilang Maykapal. At higit sa lahat, ang imahen ay buklod ng magandang samahan ng kanilang mga angkan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines