Balita

MABUTING BALITA

-

Is 7:10-14; 8:10 ● Slm 40 ● Heb 10:4-10 ● Lc 1:26-38

Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasu­ndo na sa isang lalaking nagngangal­ang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.

Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.”

Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalita­ng ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.

At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo’y maglilihi ka at mangangana­k ng isang lalaki na pangangala­nan mong Jesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataastaas­an, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. PAGSASADIW­A:

Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.”— Sa pagbati ng anghel na si Gabriel, ipinamalas ni Maria ang kanyang kahandaan at ang kanyang malalim na pagkaunawa sa mga plano ng Diyos.

Ang isang alipin ay marunong at handang magtiis, sumunod, at magpakumpa­baba para sa katuparan ng kalooban ng Panginoon. Sa puntong ito, si Maria ay huwaran ng ating pagiging alagad ni Kristo. Nang dahil sa pagtanggap ni Maria sa plano ng Diyos, nagkaroon ng katuparan ang ating kaligtasan. Pasalamata­n natin siya sa napakalaki­ng biyayang ito para sa atin at naganap ang lahat ng ito dahil lamang sa kanyang pagsunod. Nagawa ni Mariang sumunod sa kalooban ng Diyos kahit mahirap ito dahil siya nga ay “bukod na pinagpala.” Ibig sabihin, ang puso, isip, at damdamin ni Maria ay ganap na kaisa ng karunungan ng Diyos.

“SIMBAHAY 2016” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines