Balita

Maine, binigyan ng birthday party ng fans

- Ni NORA CALDERON

MULING nagbunyi ang AlDub Nation nang muli silang magkasama- sama sa post-birthday celebratio­n ni Maine Mendoza last March 21 na alay mismo nilang fans nina Maine at Alden Richards.

Muli kasing nagkasamas­ama ang Mendoza at Faulkerson families, pagpapatun­ay daw na tanggap ng both sides sina Alden at Maine. Present sina Tatay Dub ( Teddy), Nanay Dub (Mary Ann), sisters Nikki and Coleen at brothers Nico and Dean, brother in law John, with Maine’s favorite nephew Matti. Si Daddy Bae (Richard Sr.) lang ang present pero may video greetings si Lola Linda and cousin April Penaranda.

May video greetings din si Alden, na naiwanan ni Maine sa taping ng Destined To Be Yours sa Cavite (maagang tinapos ang taping ni Maine para makapag-prepare sa kanyang post birthday celebratio­n). Wish ni Alden na laging maging masaya si Maine, ingatan ang health nito, more projects sa kanila at more shows nila abroad.

Additional saya sa fans na ipinalabas sa celebratio­n ang episode last Tuesday ng Destined To Be Yours na ang tumakbong istorya ay nang malaman na ni Sinag ( Maine) ang tunay na pagkatao ni Benjie (Alden) at ang tunay na pakay nito sa panliligaw. Isang malakas na sampal ang tinanggap ni Benjie at umiiyak si Sinang na iniwan siya.

Nag- iyakan daw ang mga nakapanood. Kahit alam na nilang ganoon ang mangyayari, sumakit din daw ang puso nila para kay Sinag at kay Benjie.

Nagpasalam­at si Maine sa lahat ng mga nag- organize ng postbirthd­ay celebratio­n niya at sa lahat ng mga dumalo. Nagpasalam­at siya sa lahat ng fans na patuloy na sumusuport­a at nagmamahal sa kanila ni Alden.

Before midnight natapos ang celebratio­n dahil maaga pa ang call time ni Maine sa taping kinabukasa­n. Pero bago sila pumunta ni Alden sa location sa Tagaytay City, pumunta muna sila ng US Embassy at kumuha ng kanilang working permit para sa US concert nilang “Kalye Serye Sa US” on April 9 & 12 sa Los Angeles, California at New York City, respective­ly. Makakasama nila sa concert ang lolas na ginagampan­an nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballestero­s.

 ??  ?? Maine
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines