Balita

Rocco at Lovi, may closure na

- –Nora Calderon

INSPIRED si Rocco Nacino na kahit 30th birthday niya noong March 21 ay nagti-taping siya ng Encantadia. Masaya si Rocco nang makausap ng mga bumisitang press people sa Riverside Makati Studio at naroon ang lahat ng bumubuo sa napakarami­ng cast ng telefantas­ya.

Kapansin- pansin ang sweet smile ni Rocco at ang maaliwalas na mukha. Bukod pala kasi sa birthday niya, nagkaroon na ng closure ang break-up nila noon ng dating girlfriend na si Lovi Poe. Siya pala ang nakipag- break sa magandang actress.

Kailan nangyari ang closure nila?

“May event kami sa Stockpile resto/ bar na isa sa may- ari si Kuya Gabby ( Eigenmann) at nagkataon na naroon din pala si Lovi,” kuwento ni Rocco. “Nang magkita kami, ako na ang lumapit sa kanya at tinanong kung p’wede kaming magusap. Pumayag naman siya at from 9:00 PM to 4:00 AM the next day, naiwan na kami ng mga kasama namin, pinag-usapan namin ang lahat, ang naging problema namin, at nagkaiyaka­n pa kami, pero labis ang pasasalama­t ko na nagkaroon na rin ng closure ang aming isang taong hindi pag-uusap na hindi ako naka-move on. After that, gumaan na ang pakiramdam ko, nang mailabas ko na ang lahat na nasa dibdib ko.”

May non-showbiz girl siyang idini-date ngayon pero mas focused pa rin siya sa career. Nang tanungin kung hindi ba niya nililigawa­n si Sanya Lopez, close friend at magka-love team lang daw sila. Nu’ng time daw na naging magka-love team sila ni Danaya, hindi pa siya ready na manligaw muli. Hindi naman daw kataka-taka kung ma-in love siya kay Sanya.

Naghahanda rin si Rocco sa European vacation once pagkatapos ng Encantadia. Birthday gift daw niya iyon sa sarili niya. A-attend daw muna siya sa isang music festival sa Belgium, pagkatapos ay tutuloy siya ng Amsterdam at from there, tutuloy na siya sa iba pang lugar sa Europe. Pero sa March 31, pupunta siya ng Singapore para manonood, sila ng grupo nila ni Glaiza de Castro, ng concert ng Coldplay.

Pero mas excited si Rocco sa pagsisimul­a ng ipatatayo niyang bahay sa Valley Golf subdivisio­n sa Antipolo. Four storey raw iyon na may four to five bedrooms na ang nakakatuwa, may room na para sa magiging anak niya. Kaya ang biro kay Rocco, kumuha muna siya ng mapapangas­awa saka siya mag-isip ng anak.

Abangan ang mga bagong kaganapan kay Rocco sa role niya bilang si Aquil sa Encantadia na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 ??  ?? Rocco
Rocco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines