Balita

Karen Davila, nakipagsag­utan sa basher

- Ni ADOR SALUTA

NA BA-BASH ngayon sa social media si Karen Davila at pinagbibin­tangang “biased, “bayaran,” at “yellow journalist” ng pro-Duterte netizens.

Nagsimula ito dahil sa kanyang tweet tungkol sa stand ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sigalot ng Pilipinas at ng China sa Scarboroug­h Shoal sa West Philippine Sea.

Sa Twitter, nag-react si Karen sa headline ng isang broadsheet na nag-quote kay Pangulong Duterte sa sinabi nitong walang magagawa ang Pilipinas kung gusto ng China na magtayo ng monitoring stations sa Scarboroug­h Shoal, na tinatawag ding Panatag Shoal.

Ani Karen sa kanyang tweet: “...but we don’t have to hand it to China on a silver platter.”

Isang netizen (@ loverbogs) ang sumagot, na hinikayat ang mga DDS, o die- hard Duterte supporters, na kuyugin ang social media account ni Karen.

Tinawag pa nitong “biased,” “bayaran,” at “yellow journalist” ang Bandila anchor.

Sumagot dito si Karen, at tinawag na “sick” ang netizen.

Paliwanag pa niya, may mga kaibigan siyang sumusuport­a kay Duterte, pero nagrerespe­tuhan sila kahit magkaiba ng opinyon.

Tweet ni Karen: “Gosh... you’re sick. I have met supporters of the President who agree to disagree. I challenge a point... bayaran kaagad?”

Hindi ito ang unang akusasyon ng mga tagasuport­a ni Pangulong Duterte kay Karen ng pagiging “biased” sa social media.

Noong Abril 2016, ilang linggo bago ang presidenti­al elections, may netizens na nag-akusa sa news anchor na bias siya, dahil ang mga pinakamahi­hirap na tanong ay ibinato raw niya kay Duterte sa ginanap na presidenti­al debate.

Bilang depensa, nagkomento si Karen sa social media rin, na leading presidenti­al candidate si Duterte noon at kaya nitong sagutin ang mahihirap na tanong.

 ??  ?? Karen
Karen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines