Balita

Adele, nag-alay ng kanta sa mga biktima ng London attack

-

NAGLAAN ng oras si Adele sa kanyang concert sa Auckland upang mag-alay ng awitin sa kanyang hometown, sa London.

Nagbigay ng tribute ang singer sa mga biktima ng terror attack nitong Miyerkules sa kanyang Auckland show sa Mt. Smart Stadium sa New Zealand, kasunod ng malagim na car and knife attack malapit sa Parliament Five sa England na limang tao ang kinumpirma­ng nasawi at 40 ang nasugatan.

“Today there was a terror attack in my hometown of London,” saad ni Adele, 28, sa audience. “I’m on the other side of the world and I want them to see our lights and to hear us.”

At bago niya inawit ang kanyang hit single na Make You Feel My Love, sinabi ng 15-time Grammy winner, “It’s very strange not being home, all I want to do today is be at home with my friends and family. Everyone’s fine, but there are four (victims) who aren’t fine so let’s dedicate this to them tonight.”

Nang araw mismo nang maganap ang insidente sa pinakaabal­ang lugar sa London, nagsimulan­g maglabasan ang mga detalye tungkol sa mga nasawi.

Kabilang sa mga biktima ang isang Amerikano na ini- enjoy ang kanyang “dream vacation” kasama ang asawa para sa kanilang 25th anniversar­y, pati na rin ang isang Parliament police officer, isang ina na may dalawang anak na patungo sa paaralan para sunduin ang kanyang mga anak, at 75anyos na lalaki.

Sa kabuuan, 40 ang sugatan sa pag-atake, saad ni British Prime Minister Theresa May nitong Huwebes ng umaga, idinetalye ang mga nationalit­y sa House of Commons address.

Nasawi rin sa pag-atake ang suspek – na kinikilala ni Scotland Yard na si Khalid Masood, 52 taong gulang. People.com

 ??  ?? Adele
Adele

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines